Third's POINT OF VIEW
Now that Suho's confirmed his feelings, things get more complicated. Charot. Kay Tao pala na line 'to. Walang originality si Suho, e.
Pero ngayon nga na alam na ni Suho ang nararamdaman niya, mas lalo ng magiging komplikado ang lahat. Inamers ka author tinagalog mo lang eh. Pero bahala na nga!
"Papa, we're here na po." Napatingin si Suho sa anak nang magsalita ito. Hindi na-gets ni Suho ang tinutukoy ng anak kaya kunot-noo niya itong tiningnan.
"Papa, nasa school na po tayo." Doon nagising si Suho. Sinipat niya ang paligid at nagulat siya na nasa harap na nga sila ng school ni Myeonie. Kanina pa sila nakaparada dito pero itong si Suho, tulala.
Agad niyang tinanggal ang seatbelt ng anak saka ito pinagbuksan ng pinto. Bumaba na rin siya ng bumaba ang anak.
"Papa, okay lang po ba kayo? Kanina pa po kayo tulala?" Tanong ng anak niya. Umiling agad si Suho.
"Okay lang ako baby. Don't worry." Paninigurado ni Suho sa anak. Hindi na nagsalita ang anak niya pero mukhang hindi naman ito kumbinsido sa sinabi ng Papa niya.
Naglakad sila papasok. Doon nila nakita ang isang bata na nasa gate. Nilapitan ito ni Myeonie at nagyakapan sila.
Nagtatatalon naman si Myeonie habang winawagayway ang kamay sa papa niya na nakatayo malayo sa kanila. "Papa! Papa!" Tawag nito sa kaniya. Lumapit naman si Suho sa anak.
"Papa! Si Gavin nga po pala, bestfriend ko!" Masiglang pagpapakilala ng anak ni Suho sa isang bata na....kamukha ni Kris. Nangunot ang noo ni Suho. Kamukha talaga ni Kris ang bata, e. Hindi kaya, anak nila 'to ni Tao?
"Hello po!" Napangiti si Suho sa bata. Nasa 70% sure na siyang anak ni Tao ang bata. Kaugali ni Tao eh. Kung paano ito kumilos, magsalita. Lahat puro Tao eh.
Bahagya siyang umupo para mapantayan si Gavin. "Hello Gavin! Anong surname mo?" Chismoso talaga si Suho. 'Yun ang confirmed.
"Wu po!" Ayun, check. Anak nga nina Kris at Tao ang bata. Napangiti tuloy siya lalo dahil halos apat na taon na simula ng huling makita niya si Gavin.
"Ang laki mo na!" Nasabi ni Suho. Nagtaka naman ang dalawang bata sa ikinilos niya.
"Po?"
"Wala haha."
Kahit naguguluhan ang dalawang bata, hindi na lang nila tinanong si Suho. Ilang minuto pang pag-uusap ay parehas na silang nagpaalam dahil papasok na sila Myeonie sa school.
-
Ipinarada muna ni Suho ang kotse niya bago siya tuluyang bumaba. Bumigat na naman ang puso niya pagkababa pa lang. Ewan ba. Pakiramdam niya may kung anong nakadagan sa puso niya. Ang OA, pero 'yun ang eksaktong nararamdaman ni Suho.
Dahang-dahang naglakad si Suho hanggang sa makarating siya sa malaking pinto ng mansion. Pinagbuksan siya ng mga maid saka siys dumeretso hanggang sala. Balak niyang manood pero mukhang hindi na matutuloy ang plano niya ng makita ang taong kanina niya pa iniiwasan.
Si Lay.
Ang weird. Bakit 'nung gusto niyang makita at makausap si Lay ay hindi niya ito mahagilap tapos ngayon na iniiwasan niya naman ito saka niya naman ito makikita sa iba't-ibang sulok ng mansion? Ano ba talaga?
Nagtagpo ang mga mata nila pero agad ring umiwas si Suho. Iniiwasan niya si Lay. Simula ng mangyari ang nangyari kahapon, nag-decide si Suho na iwasan na si Lay.
Mahirap na, nakakatakot pa naman pag sobrang mahuhulog si Suho tapos alam niya namang walang sasalo sa kaniya. Kaya hangga't maaga pa ay iniiwasan niya na si Lay. Nagbago ang isip ni Suho, sa kusina na lang siya pupunta. Mas okay naman kumain kaysa manood no. (Sige teh, dahilan ka pa)
Wala siyang naabutan na kahit isa sa kusina so nag-conclude si Suho na baka nandoon sila sa maliit na bahay sa likod ng mansion. Kumuha lang si Suho ng ilang mga chichirya na sisira sa diet niya saka dali-daling inakyat ito sa kwarto.
Hindi niya napansin na kanina pa si Lay nakamasid sa ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
OTP SERIES #2: YIXING / hiatus
FanfictionYixing is as pure as white porcelain. Super innocent. Super clean. He knows to himself that he doesn't have any experience to sex pero bakit isang araw bigla na lang may kumatok sa pinto niya at bumungad sa kaniya ang isang lalaki na may hawak na ap...