Napatulala si Lay habang pinagmamasdan ang likod ni Suho palabas ng mansion niya. Naguguluhan siya, sobra. Ayaw niyang maniwala sa sinasabi ng lalaki pero may part pa rin sa sarili niya na pakiramdam niya totoo ang sinasabi ni Suho.
Virgin siya. 'Yun ang alam niya. Never pa siya nagkaroon ng karanasan sa sex dahil naniniwala siya na masyado iyong sagrado para gawin ng paulit-ulit. Naniniwala siya na ang gawaing iyon ay para lang sa mga taong tunay na nagmamahalan. Pero sa nakikita niya sa mga mata ni Suho? Nakikita niya na nagsasabi ito ng totoo. Pero paano niya paniniwalaan? Kung hindi niya nga maalala ang lalaki kahit man lang maging pamilyar dito. Ni-hindi niya rin maalala na nakipag-anuhan siya sa kahit na sino. At isa pa, lalaki si Suho, paano ito mabubuntis?
Pero napaisip si Lay. Si Tao nga na asawa ng kaibigan niyang si Kris ay nabuntis, si Suho pa kaya?
Pero magulo pa rin daw eh! Wala pa rin siyang maintindihan.
Napapikit si Lay ng mariin saka binalingan ng tingin ang hawak niyang resealable bag at maliit na papel. Pinakatitigan niya itong mabuti. Mukhang ito lang ang tanging paraan para maliwanagan siya.
Wala namang mawawala kung subukan ko. Sa isip ni Lay. Nag-isip ng mabuti si Lay saka tinawagan ang isang numero ng taong makakatulong sa kaniya.
"Doc Carl, help me."
-
Ilang oras lang ang hinintay ni Lay ay dumating na ang hinihintay niya. Si Doc Carl, or Carlos Zhang. Ang tito ni Lay. Isa itong doctor at naging personal doctor na rin ni Lay.
Pinagbuksan ni Lay ang tito Carl niya. Pinapasok niya ito at pinaupo. Nagpautos naman si Lay na handaan sila ng makakain.
"Ano namang maitutulong ko, pamangkin?" Tanong ng tito niya. Napabuntong-hininga si Lay. Desidido na siya. Sobrang naguguluhan ang utak niya at kailangan niya ng way parang maliwanagan.
Kinuha ni Lay ang resealable bag at ibinagay ito. Tinanggap naman ito ng Tito Carl niya kahit naguguluhan.
"Is this a strand of hair? Anong kailangan kong gawin dito?" Takang tanong ng tito niya. Lay let out a loud sigh before answering his uncle.
"Tito, gusto ko magpa-DNA. At 'yang buhok na 'yan ang pagbabasehan niyo." Sagot ni Lay. Napatango naman ang tito niya at inilagay na ang plastic sa bag nito.
"Okay. But may I ask why? Kanino ba 'tong buhok?" Napabuntong-hininga muli si Lay.
"I...don't know. Hindi ko pa alam... Kaya kailangan ko munang malaman ang results ng DNA before I can conclude everything." Naguguluhang sagot ni Lay. Tumango na lang tito niya at naglabas na rin ng isang resealable bag. Kumuha din ito ng ilang strands sa buhok ni Lay saka tuluyang tumayo at nagpaalam.
"The result may come out after a week. So all you have to do is to wait." Lay nodded. So ang kailangan niya na lang ay maghintay ng isang linggo?
Handa naman si Lay. Maliwanagan lang siya.
BINABASA MO ANG
OTP SERIES #2: YIXING / hiatus
FanfictionYixing is as pure as white porcelain. Super innocent. Super clean. He knows to himself that he doesn't have any experience to sex pero bakit isang araw bigla na lang may kumatok sa pinto niya at bumungad sa kaniya ang isang lalaki na may hawak na ap...