Suho's POINT OF VIEW
"Umamin ka nga, gusto mo na si Sir Lay no?"
Hindi ko alam kung ilang beses na ba 'to naitanong ni Jongdae. Hindi ko rin alam kung ilang beses ko na rin siyang muntik mabatukan kasi ang kulit niya. Pero kahit ilang beses pa siyang magtanong isa lang din naman nagiging sagot ko.
"HINDI KO NGA ALAM JONGDAE! ISA PANG TANONG MO NIYAN SASAMAIN KA NA TALAGA SA'KIN!"
"EH BAKIT KA NASIGAW?!
"ANG KULIT MO KASI!"
Kinalma ko ang sarili ko. Konti na lang talaga sasamain na sa akin 'to si Jongdae eh. Nakita ko na kinakalma niya rin ang sarili niya. Sabay kaming umupo habang iniirapan ang isa't-isa.
Tsk.
"Pero sa tingin ko gusto mo na si sir eh," sabi niya makalipas ang ilang saglit. Napatingin naman ako sa kaniya ng nakakunot ang noo.
Napabuntong-hininga ako. "Sa tingin mo?" Tanong ko. Na-co-confuse na kasi ako. Ang alam ko lang physically attracted lang ako kay Lay pero bakit na-i-insecure ako kay Joy? Bakit nasasaktan ako pag umiiwas siya sa akin? Bakit gusto ko ako lang nagpapatawa sa kaniya? Bakit gusto ko akin lang attention niya? Gusto ko na nga ba talaga si Lay?
"Oo. Hindi mo naman lahat mararamdaman 'yan kung hindi mo siya gusto eh," sagot ni Dae. Napaisip ako lalo. Seryoso ba talaga? Gusto ko na ba talaga siya? Bumigay na ba talaga ang pagiging marupok ko? Susko, malala ito.
Hindi ako nakasagot kay Dae. Naguguluhan ako. No. Siguro alam ko na talaga 'yung sagot pero ayaw ko lang tanggapin. Pero paano? Anong gagawin ko?
"Pero kung gusto mo lang talaga malaman kung gusto mo siya," nilapitan ako ni Dae at may ibinulong sa akin. Nanlaki naman ang mata ko.
"Hoy! Sigurado ka ba diyan?"
"Oo. Kaso maghanda ka na rin kasi kung ano man ang magiging reaksiyon niya, 'yun na ang magiging sagot niya sa'yo." Napatango na lang ako.
Okay, it's now or never.
-
Naglalakad ako ngayon papunta sa kwarto ni Lay. Desidido na ako. Gagawin ko na ang suhestiyon ni Jongdae. Para lang ma-confirm ko kung ano mang nararamdaman ko. Tumigil ako nang makarating na ako sa tapat ng pinto niya. Huminga ako ng malalim.
Kaya ko 'to!
Kumatok ako. Agad din naman akong pinagbuksan ni Lay. Alanganin akong tumingin sa kaniya. Maayos naman ang suot niya. Charot. Ano bang gusto ko, nakahubad? Umiling ako. Mamaya na nga tong kaharutan na 'to!
"What?" Bored na tanong niya sa akin. Kinalma ko ulit ang sarili ko. Ngayon na nasa harap ko na siya parang nawawala na lahat ng confidence ko sa sarili. Kaya ko 'to! Kaya mo 'yan Suho! Ikaw si Kim Junmyeon diba? At si Kim Junmyeon ay hindi umaatras ng basta-basta!
"Sorry."
"Ha? Para saan—"
Agad kong hinila ang kwelyo niya papalapit sa akin. Nanlaki ang mata niya pero wala ng atrasan 'to! Parang bumagal ang paligid. Lalo na ng unti-unti kong ilapit ang mukha ko sa kaniya.
"Kung gusto mo talaga malaman kung gusto mo na ba si Sir, try mong halikan siya." Bulong ni Jongdae sa akin.
Hindi nagtagal, lumapat na ang labi ko sa kaniya. It was....surreal. Pakiramdam ko may kung anong poste ng kuryente ang sumabog sa paligid. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, lalabas na siya sa dibdib ko.
"Pakiramdaman mo ang sarili mo. Ikaw lang din makakapagsabi kung gusto mo na ba siya o hindi."
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Pakiramdam ko lalabas na siya sa dibdib ko.
Ibig-sabihin ba nito....
Gusto ko na talaga si Lay?
Seryoso na 'to?
Wala ng take two?
Masyadong mabilis ang pangyayari. Kanina lang hinalikan ko siya tapos ngayon nasa sahig na ako. Tinulak niya ako. Magluluksa na ba ako ngayon?
"What the hell are you doing, Jumyeon?! Nababaliw ka na!" Sigaw niya sa akin. Ramdam ko ang sakit ng pwetan ko sa lakas ng pagkakatulak sa akin, pero mas ramdam ko ang sakit sa bandang dibdib ko.
"Oo. Kaso maghanda ka na rin. Kasi kung anong magiging reaksiyon niya, 'yun ang magiging sagot niya sa'yo."
Haha. So ito na ang sagot niya? Ang saklap ko naman. Ngayong confirmed na ang feelings ko for Lay, saka naman ako ma-re-reject. Ramdam ko na umiinit ang mata ko. Kaya agad akong tumayo para tumalikod sa kaniya.
Status: Busted
BINABASA MO ANG
OTP SERIES #2: YIXING / hiatus
FanfictionYixing is as pure as white porcelain. Super innocent. Super clean. He knows to himself that he doesn't have any experience to sex pero bakit isang araw bigla na lang may kumatok sa pinto niya at bumungad sa kaniya ang isang lalaki na may hawak na ap...