31

25 3 0
                                    

Suho's POV

"So sa iisang kwarto kayo ngayon matutulog?"

Alam niyo, konti na lang mababatukan ko na itong kausap ko kasi paulit-ulit.

"Oo nga, Tao. Ulit-ulit ka?" Inis na sambit ko. Natawa siya sa sinabi ko habang ako napairap lang sa inis. Tingnan mo, ako gulong-gulo na rito habang siya patawa-tawa lang.

"Alam mo hyung," pag-uumpisa niya. "Bakit ba inis na inis ka? I'm sure this is not the first time you guys share one bed, right?" Pang-aasar nito na nakapagpamula ng pisngi ko.

Jusko. I know what he means! Ang tinutukoy niya ay yung araw na nabuo si Myeonie. Shems. Tao!

"Tao! Magtigil ka nga!" Suway ko pero lalo lang siyang tumawa. Argh! Wtf.

"Why?" He ask while laughing. "Tama naman ako, ah?"

"Tumigil ka na nga!" Umiwas na ako ng tingin kay Tao dahil alam ko na kung gaano kapula ang mukha ko. Tama ba naman na ipaalala pa 'yung araw na 'yon? Hindi ako si Tao pero, tangina ba siya?

"Pero seryoso hyung," biglang sambit nito. Bigla rin naging seryoso ang ihip ng hangin. Pati na rin ang mukha ni Tao ngayon ay seryoso na. Sa totoo lang, ganito ba napapala pag si Kris ang asawa mo? Nagiging bipolar ka na rin? "Sabi mo hindi mo gusto si Lay? E, bakit ka naguguluhan?"

Doon ako natahimik. Parang umurong yung dila ko saglit. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko at hindi ko alam kung paano sasagutin si Tao.

"Ganito kasi hyung." Pag-uumpisa niya. "Dumaan din ako sa ganiyan, e. Yung in-denial. Yung hindi ako makapaniwala na gusto ko na siya, kaya alam ko kung anong nararamdaman mo. Alam ko talaga na mahirap aminin, o mahirap umamin, pero isa lang ang sigurado ako, huwag na huwag mong itatago iyan. Let it out. Listen to your heart. Kasi mas mahirap pag sarili na'tin yung niloloko na'tin diba?"

Minsan talaga, natutulala ako sa mga words of wisdom ni Tao. Ganito ba talaga pag inlove? Nagiging makata ka?

Napalunok ako. I suddenly realized everything. Maybe...I didn't moved on. Niloko ko lang yung sarili ko na hindi ko siya gusto because that is what I think is right. Pero hindi ko alam na ginagawa ko lang 'yun para protektahan yung sarili ko sa sakit na maaari kong maranasan. Nag-play safe ako. Nag stay ako sa comfort zone ko. And maybe Tao was right, I am making myself someone who isn't me anymore.

I sighed then lean my head on the bench. "But....hindi niya ako gusto."

"So do I." Agad akong napaangat ng tingin kay Tao.

"What?" Tanong ko.

Nagkibit-balikat si Tao, "ako rin naman hindi ako mahal ni Kris." Mapait itong napangiti habang nakatingin sa akin. "Yung kasal, sapilitan lang iyon. Parents lang ni Kris ang nagsabi noon."

"What?!" Tila gulat na gulat pa rin na sambit ko. Wait, so Kris didn't love Tao?! All this time? Pero bakit hindi iyon ang nakikita ko kay Kris? Wait, grabeng information 'to hindi ko kinakaya ha!

"Yes," malungkot na sagot ni Tao. "Ang akin lang, aminin mo man o hindi yung nararamdaman mo, iisa at iisa pa rin naman yung kalalabasan 'non. If he loves you back, then better, but if not, then okay. Hindi naman lahat maganda ang kinalalabasan diba? Atleast, you tried your best, right?"

Now I know what Tao was trying to say all this time. I am a coward. Takot lang ako na ma-reject. Takot ako na baka hindi masuklian yung nararamdaman ko. Pero ano naman diba? Part naman kasi talaga ng buhay ang ma-reject at masaktan. Hindi pwedeng happy lang ang lahat. Kaya ngayon, sigurado na ako. Alam ko na ang nararamdaman ko.

Ngumiti ako ng matamis kay Tao saka siya niyakap ng mahigpit.

"H-hyung! Nanggugulat ka naman! Bakit ka nangyayakap—"

"Thank you."

"Ha?"

"Thank you so much."

OTP SERIES #2: YIXING / hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon