16

37 7 0
                                    

Suho's POINT OF VIEW

Nakatambay lang ako dito sa kwarto ko. Wala akong magawa. Ang boring sobra. Ayaw ko na rin naman manood ng tv or mag-surf sa internet dahil ang boring din 'nun para sa akin. Wala si Myeonie ngayon dahil pumasok na siya sa preschool niya. Si Lay naman ay dumeretso na agad sa kwarto niya. Kainis nga 'yun. Day-off niya pala ngayon pero parang hindi ko pa rin siya ramdam na nandito. Palagi siyang nakakulong sa kwarto niya. Ang sabi ni Jongdae, kapag daw Day-off ang amo nila ay sa bahay nito ginagawa ang trabaho. Edi sana hindi na siya nag day-off kung gagawa din siya ng trabaho dito diba?

Isa pa 'yang si Jongdae. Aalis daw kasi may inuutos ang sir Lay niya. Tapos 'yung mga maid naman ay nandoon sa maliit na bahay sa likod ng mansion dahil doon sila nakatira kaya wala akong makausap lalo. Ano ba 'yan! Mapapanis ang laway ko dito ngayon eh. Para kasing tanga si Lay. Minsan talaga iniisip ko na sinasadya niya ng hindi magpakita sa akin eh. Biruin mo naman kasi. Pag nandito si Myeonie, nalabas naman siya ng kwarto niya. Tapos pag pumasok na si Myeonie sa school, magkukulong na siya ng kwarto niya. Oh diba?! Sinong hindi makakahalata 'dun? Halatang ayaw niya akong makita o kausapin eh. Bakit?! Sa anghel na mukha na 'to, hindi niya ako kakausapin?

Napaupo ako sa inis. Nakakainis naman kasi! Sinasagad na naman ng Zhang Yixing na 'yan ang pasensiya ko eh. No one can resist Kim Junmyeon. No one.

Tumayo ako at agad na lumabas ng kwarto ko. Desidido na ako. Kakausapin ko si Lay. Through sickness and in health, in richer and in poorer, charot! Feel na feel ko talaga eh.

Nilakbay ko ang mahabang pasilyo ng mansion. Nilakbay talaga yung term dahil napakalaki talaga 'yung mansion nila. Harujusmiyo. Pwede na nga kaming magtaguan dito ng hindi kami magkikita eh. May mansion din naman kami pero hindi naman ganito kalaki na halos hindi na kami magkitaan.

Hinanap ko ang kwarto ni Lay. Muntik pa nga akong maligaw dahil ang daming kwarto dito. Nagmukha tuloy akong dwende dito. Buti na lang nakita ko 'yung isang maid at siya na ang pinagtanungan ko ng kwarto ni Lay.

"Sa may dulo po. 'Yung itim na pinto." Sabi nito sa akin kaya tumango na lang ako. Takte sa may dulo pa pala 'yun. Ang haba pa ng lalakarin ko!

Naglakad lang ako hanggang sa makita ko na ang pinakadulong kwarto na may itim ngang pinto. Nakaramdam naman ako ng takot sa itsura ng pinto at sa paligid. Halos wala ng ilaw sa parteng ito. Hindi ko alam kung dahil sa pinakadulo na ito o sinadya talaga na walang ilaw dito. Ni-isa. Nakaalis ang mga bulb sa lalagyanan nito. Bakit kaya? Nakakatakot din 'yung itsura ng pinto dahil itim na itim.

Kinakabahan man ay dumeretso pa rin ako hanggang sa tumigil ako sa mismong harap ng pinto. Pinakiramdaman ko muna ang paligid. Baka kasi may mumu sa loob nito eh! Dito ba talaga ang kwarto ni Lay? Bakit parang ang creepy naman?!

Huminga muna ako ng malalim. Kaya mo 'yan Suho! Hindi ka duwag okay? Si Lay 'yan, ang future husband mo—ay shet wala akong sinabi, wala! Ang harot mo na naman Suho eh! Dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko saka dahan-dahan ding kinatok ang pinto.

Walang sumagot.

Kinatok ko ulit pero wala pa ring sumasagot.

Baka wala dito? Baka umalis? Aalis na sana ako pero nagulat ako ng biglang bumukas ng kusa ang pinto. Nanlaki ang mata ko at napahawak sa puso ko. Shit! Bakit pakiramdam ko nasa horror na ako ngayon? Humor naman ang genre nito diba?

Pero dahil dakilang chismoso ako, imbes na umalis na lang ay mas pinili ko na sumilip ng pinto. Pero shet nasa horror na talaga ata ako. Ni-wala akong maaninag na kung ano sa sobrang dilim ng buong kwarto niya. Takteng 'yan! Ano ba 'to? Bakit sobrang dilim naman dito?

Kahit kinakabahan ay dahan-dahan ko pa ring tinulak ang pinto saka pumasok. Sobrang dilim nga! Ni-katiting na liwanag ay wala akong makita kaya hindi ko alam kung nandito ba si Lay o wala.

"Hello? Lay?" Muntik na akong mapatalon ng mag-echo sa buong kwarto ang boses ko. Litse. Nakakatakot naman! Mamaya ko na nga kakausapin si Lay kasi baka may multo dito!

Aalis na sana ako pero laking-gulat ko ng sumara bigla ang pinto.

"Waaaaah!" Napasigaw na ako. Mas lalo na akong walang makita kaya hindi ko mahanap ang pinto. Feeling ko tuloy bulag ako! Wala akong makita! Nakabukas ang mata ko pero wala akong makita! Mama! Nasaan ka!

"Jusko, iligtas mo po ako." Halos mapadasal na ako. Kinapa-kapa ko ang paligid hanggang sa makapa ko ang pader ng kwarto. Nagpasalamat naman ako. Atleast mas madali ko ng mahahanap ang pinto para makalabas. Kinakapa-kapa ko lang ang pader at naglalakad ng dahan-dahan pero agad din ako napatagil ng may narinig akong kumaluskos.

"Shit!" Gulat na sabi ko. Natatakot na talaga ako! Gusto ko ng lumabas! Pero paano ako lalabas kung wala nga akong makita.

Binilisan ko ng konti ang lakad ko para makarating sa pinto. Pero hindi pa man ako nakalalayo ay may nakapa na ako na parang malambot. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang may humawak sa mga braso ko kasabay ng pagbukas ng ilaw.

"AHHHHHHH!"

---

A/N: finally! I'm back!

OTP SERIES #2: YIXING / hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon