13

32 8 0
                                    

Suho's POINT OF VIEW

Two weeks. Two weeks na ang nakalipas simula ng pumunta ako sa mansion ni Lay Zhang. Two weeks na rin simula ng umasa ako na paniniwalaan niya ang sinasabi ko at one week na ang nakalipas ng i-celebrate na'min ang birthday ng anak ko.

It was a simple celebration. Ako, si Grace, ang mama niya at syempre si Myeonie lang ang magkakasamang nag-celebrate ng birthday niya. Nagpaluto lang ako ng ilang putahe na paborito ng anak ko saka kami naglaro ng kung ano-ano.

Masaya naman. Pero may kulang. Hindi ko kasi natupad ang wish niya, na makita at makasama ang tatay niya sa mismong birthday niya. Nalungkot ako sa totoo lang. Lalo na noong makita ko na umasa ang anak ko na makakasama niya ang Daddy niya.

Naaalala ko pa 'yung sinabi ni Myeonie pag-alis namin sa mansion ni Lay two weeks ago,

"Papa, ayaw po ba sa akin ni Daddy?"

Ayan yung tanong niya. Muntik na akong mapaluha sa sinabi niya pero sinabi ko na lang na busy lang ang daddy niya kaya 'wag na nating guluhin.

Minsan din na-o-open niya sa akin ang about kay Lay pero gumagawa na lang ako ng mga palusot kahit na ayaw kong magsinungaling sa anak ko.

Napaupo ako sa sofa ko at isinandal ang ulo ko. Ako lang ang mag-isa ngayon dahil si Myeonie, pumasok na sa pre-school niya. Medyo late na nga si Myeonie sa edad niya pero wala eh, lumipat kami dito sa Korea eh, so no choice kundi ang mag-preschool pa rin siya.

Si Grace naman ay nandoon sa mama niya. Hindi na naman kailangan pumunta ni Grace dito dahil wala rin naman si Myeonie dito. Isa pa, hindi pa naman nag-start ang work ko dito dahil naka-leave ako kaya mababantayan ko si Myeonie. Nakatira muna kami ngayon ni Myeonie sa isang condo unit samantalang sila Grace ay bumalik doon sa bahay ni sa Bucheon. Doon naman talaga sila nakatira. Doon ko rin nakupkop si Grace noon. Pinagawa ko lang ang bahay nila doon dahil sira-sira na. Sinama ko lang naman si Grace at ang mama niya sa America noon dahil ayaw humiwalay sa akin ni Grace 'non. Nakakatuwa nga 'yon. Parang anak na rin turing ko sa batang 'yon eh.

Kinuha ko ang remote at nanood na lang ako ng TV. Wala rin naman akong gagawing something productive dahil tapos ko na naman ang dapat kong gawin. Palipat-lipat lang ako ng channel dahil wala akong mapanood na maganda. 'Nang wala na akong mahanap ay pinatay ko na lang ulit ang TV at sumandal na lang ulit sa sofa ko.

"Hay ang boring..." Bulong ko sa hangin. Buti nga walang sumagot kundi tatakbo talaga ako dito.

Nagpahinga na lang ako. Pero hindi rin nagtagal ay nakarinig ako ng doorbell. May kung sino ang nang-istorbo ng pahinga ko! Dahan-dahan akong tumayo dahil tinatamad akong kumilos saka dahan-dahan ding naglakad papunta sa pinto.

I'm too lazy to check the screen para tingnan kung sinong tao sa labas dahil sure naman ako na room service lang 'yon. Wala namang ibang nakakaalam kung saan ako nakatira. Tinatamad kong binuksan ang pinto pero agad ding nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nasa labas ng condo unit ko.

"Ikaw?!"

OTP SERIES #2: YIXING / hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon