10

34 10 0
                                    

Suho's POINT OF VIEW

"W-What?!" Gulat na gulat ang tono niya. Nanigas pa siya sa kinatatayuan niya habang nanlalaking matang nakatingin sa akin. Grabeng gulat naman 'yan. Parang pinapamukha niya sa akin na isang malaking kasinungalingan ang sinabi ko.

"Papa? He is..." Napatingin ako kay Myeonie na gulat din ang mukha. Mukhang nagulat ko ata ang mag-ama ko. Shet. Keneleg eke sa mag-ama na word ha. Okay, back to serious na Suho. Mamaya ka na humarot.

Binuhat ko si Myeonie at pinisil ang pisngi niya. Hobby ko na ata ang pisilin ang pisngi ng anak ko.

"Yes baby. He's your father." Sagot ko. Nagulat naman uli ang anak ko pero unti-unti ring nagbago ang ekspresiyon sa mukha niya hanggang sa mapalitan na ito ng masaya at masiglang ngiti.

"Talaga po?! Daddy!" Nagpumilit bumaba sa akin si Myeonie kaya wala akong nagawa kundi ang bitawan siya. Tumakbo ito papunta kay Lay at niyakap ang hita niya.

"Daddy finally nakita na po kita!" Masayang sabi ng anak ko. Napangiti naman ako. Ito lang naman ang hiling ko eh, ang maging masaya ang tanging happiness ko. Ang maging masaya ang anak ko.

Napatingin ako kay Lay na parang tinubuan na ng ugat dahil nakatayo pa rin siya at nakatulala sa akin. Sobrang nagulat ko ata. Eh kasalanan niya rin eh. Kinalimutan niya ako kaya ayan siya ngayon, naguguluhan.

Unti-unti na rin siyang nakakabawi pagkalipas ng ilang minuto. Kumurap-kurap pa siya saka tuluyang binalingan ako ng isang naguguluhang tingin.

"W-What did you just say?" Napairap naman uli ako. Hirap naman kausap nito. Pasalamat talaga siya dahil pasok na pasok siya sa type ko kaya hindi pa rin ako ganoong nagagalit sa kaniya. Kasi kung hindi, nako! Bugbog-sarado 'to sa'kin.

"Makakalimutin ka na nga, bingi ka pa." Inis na sambit ko. "Siya nga si Myeonie, at anak NA'TIN siya. Okay na ba? Ha? Ulitin ko pa ba?!" In-emphasize ko yung word na "na'tin" dahil umiinit na naman ulo ko sa lalaking 'to! Nako konti na lang talaga!

"H-How did it h-happen?! Ni hindi nga kita kilala!" Tumaas na ang boses niya kaya lalo akong naiinis.

"Alam mo isang ulit mo pa na hindi mo ako kilala, tatamaan ka na sa akin." Seryosong sabi ko. Naiinis na kasi ako. Nasasaktan na din medyo 'yung feelings ko dahil parang ang dali lang sa kaniya na kalimutan ako. Parang pakiramdam ko tuloy isa lang ako sa mga ikinama niya. No hard feelings. No strings attached. Pakiramdam ko ang landi-landi ko tuloy.

Napalunok muli siya sa sinabi ko. "H-hindi naman kasi talaga kita k-kilala." Nauutal na sambit niya. Huminga ako ng malalim. Okay, try to be understanding. Baka may dahilan naman kung bakit niya ako nakalimutan. Baka nauntog ulo niya sa pader o kaya napalitan 'yung utak niya ganon. Isipin mo na lang na ganiyan Suho imbes na magalit ka kaagad.

"Okay.." tila sumusukong sambit ko. Napaupo ako sa sofa nila at kinuha ang anak ko na nakayakap pa rin sa hita ni Lay. Alis ka na dyan 'nak mukha ka ng tarsier. Char. Sorry 'nak. Bully si papa huhu.

I gestured him to sit in front of me. Alam ko na medyo makapal ang mukha ko dahil parang ako pa nagmukhang nakatira dito. Pero sige gora. Kailangan namin ng matinong pag-uusap. Diba nga sabi nila lahat ay nalulutas sa magandang pag-uusap?

Nag-aalalangan man ay pinili niya pa rin umupo sa harap ko. Dahil medyo nakabukaka siya at nakashort lang siya, ay medyo sumisilay sa akin si Lay Zhang junior. Pero iniling ko ang ulo ko.  Mamaya na sa tukso Suho. May problema ka pa remember? Huminga ulit ako ng malalim at saka hinilot ang sentido ko.

"Look. Base sa expression ng face mo, mukhang hindi ka naniniwala sa sinasabi ko. Pero nagsasabi ako ng totoo. Handa ako na ipa-DNA test ang anak ko para lang maniwala ka. 'Wag mong isipin na ginagawa ko 'to para humingi ng pera sa'yo dahil may pera ako at mayaman ako. Gusto ko lang talaga makita ng anak ko ang tatay niya." Mahabang lintanya ko pero mukhang hindi pa rin siya kumbinsido. Nangungunot lalo ang noo at napapailing pa siya.

"N-No. T-This can't be." Hindi makapaniwalang sambit niya. Nainis na naman ako kaya tumayo agad ako at pumameywang sa harap niya.

"Ano ba Yixing may anak nga tayo!" Sigaw ko. Napatayo na rin siya at napahilamos ng mukha.



"No! Virgin pa ako!"

OTP SERIES #2: YIXING / hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon