8

44 10 0
                                    

Suho's POINT OF VIEW

"Papa, saan po tayo pupunta?" Tanong ni Myeonie habang naglalakad.

"Secret nak. Bakit? Pagod na ba ikaw sa kakalakad?" Binuhat ko si Myeonie. Kanina pa kasi kami naglalakad sa loob ng subdivision na 'to. Kung alam ko lang na ganito aabutin namin edi sana bumili muna ako ng kotse hindi yung naglalakad kami dito.  (Sana all mayaman)

"Hindi naman po papa. Pero bakit po tayo nandito? May hinahanap po ba kayo?" Sagot ni Myeonie.

Halos mapahilamos na ako sa frustration. Nasaan ba kasi 'yun! Nasaan ba kasi 'yung lintek na bahay ni Lay Zhang!

Oo, hinahanap ko na 'yung bahay niya. Nakakainis nga si Kris eh! Akala ko naman yung exact address ni Lay yung binigay sa akin eh hindi pala. 'Yung pangalan lang ng subdivision ang binigay niya. Akala ko naman madali kong mahahanap yung bahay kaya hindi na ako nagtanong sa guard. Isa pa, nag-commute lang kami ni Myeonie papunta rito dahil wala pa akong kotse dito sa Korea. Buti nga pinapasok ako dito eh exclusive subdivision ito. Pero well, ako pa ba, malakas ata kamandag ko. (medjo mahangin)

Pero 'yung kotse talaga eh! Bukas na bukas nga bibili na talaga ako. Pwede ring mamaya.

"Meron baby. Upo ka muna dito ha. Magtatanong lang ako." Pinaupo ko si Myeonie sa nakita kong bench. Tapos saka ko nilapitan 'yung matandang may dalang basket na nakita ko.

"Goodmorning po!" Bati ko sa matanda. Humarap naman ito sa akin at sinulklian ako ng isang ngiti.

"Goodmorning din ijo. Anong sadya mo?" Tanong nito sa akin.

"Tatanong ko lang po kung saan po nakatira si Lay Zhang?" Parang nanlaki naman ang mata ng matanda. Mukhang nabuhayan naman ako dahil parang kilala niya si Lay. Omg. Crossing fingers. Sana nga kilala niya.

"Si ser Lay ba?" Agad akong napatango sa tanong niya. Nice. Sir Lay.

"Opo! Siya nga po!" Masigla kong sagot. Medyo ang OA ko sa part na 'to pero kanina ko pa kasi hinahanap 'yang si Lay eh. Kapagod kaya. Nasisira ang gwapo kong mukha. (#hangin)

"Nako alaga ko 'yun! Tara ijo samahan kita sa kaniya. Kaibigan mo ba siya?" Nagpasalamat naman ako sa lahat ng santo. Finally! Nahanap ko na rin siya.

Bago kami tuluyang umalis ni Lola kinuha ko muna si Myeonie. Syempre! Alangan namang iwan ko 'tong anak ko.

"May kasama ka palang bata, ijo? Kaano-ano mo?" Tanong ni Lola habang nakatingin kay Myeonie na buhat ko.

"Anak ko po. Hey Myeonie, say hi to Lola." Sagot ko.

"Hello po." Ito talagang anak ko eh. Sabi ko 'hi' pero hello sinabi. May pinagmanahan talaga eh.

"Ang cute mo naman ijo! Medyo hawig mo ang alaga ko ha." Syempre lola, anak 'yan ng alaga niyo eh. Gusto ko sanang sabihin 'yan kay Lola pero 'wag na pala muna. Baka ma-culture shock. Humagikgik naman ang anak ko. Ang cute talaga!

Naglalakad lang kami ni Lola at nagkukwentuhan sa mga bagay-bagay. Tinanong pa nga ni Lola sinong nanay nitong si Myeonie pero ang sabi ko nalang nasa malayo. Nanahimik naman kami pagkatapos.

Patuloy lang kaming naglalakad ni lola nang magsalita ulit siya.

"Pero anong sadya mo kay ser Lay, ijo? Ngayon lang kita nakita eh." Napakamot naman ako sa ulo.

"May sasabihin lang pong importante. Galing po kasi akong America kaya po ngayon lang po ako nakapunta dito. Magkaibigan po kami ni Lay dati." Sagot ko na lang. Totoo naman 'yung lahat ng sinabi ko, maliban 'dun sa magkaibigan kami ni Lay. Duh, we've never been friends.

"Ganon ba ijo—ay! Nandito na pala tayo!" Tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay. I mean, mansion. Alam ko na mayaman ang mga Zhang. Duh, pagmamay-ari lang naman nila ang Zhang Corporation na isa sa pinakamalaking company sa buong asia. Pero may karibal silang isa pang kompanya. Ang Kim Company. Also one of the biggest company in asia and it was owned by my parents. Yes, parents ko. Magulang ko. Anak nila si Kim Junmyeon. Si Kim Junmyeon na gwapo, matalino, magaling, at gwapo ulit. In short, pagmamay-ari nga ng pamilya ko paulit-ulit?!

Pinagbuksan kami ng guard. Muntik pa nga akong harangan ng guard pero sinabi ni Lola na kaibigan ko si Lay. Edi pinapasok ako. Binabaybay namin ang malawak na hardin ng mansion ng mga Zhang hanggang sa makarating kami sa mismong mansion. Takteng 'yan. Kapagod ha. Idagdag mo pa na buhat ko si Myeonie.

Binuksan ni Lola ang malaking pinto ng mansion na naglikha ng tunog. Namangha naman si Suho sa nakita. Mukha kasing ancestral house ang mansion. Halatang matagal na itong nakatayo dito pero sophisticated and elegant pa rin ang pagkakagawa. Aminin niya na mas malaki ito sa mansion nila at mas nakakamangha ang mga disenyo nito. Mahahalata mo rin na chinese ang may-ari ng bahay dahil sa mga chinese traditional figures na makikita mo.

Pinaupo kami ni lola sa sofa saka sinabihan ako natatawag niya lang ang ser Lay niya. May lumapit naman sa amin na isang maid at tinanong kami kung anong gusto kong inumin. Sinabi ko na lang juice.

Ang dami nilang maids ha. Sa'min kasi hindi ganoon kadami ang maids. Ayaw din naman nila mommy at daddy na madami kaming maids. Ang sabi nila, 'wag daw kaming masanay na palaging may uutusan. Dapat daw matuto kami na tumayo sa sarili naming mga paa. Kaya ayun, hanggang pagtanda ay dala ko iyon sa sarili ko. Never ako naghire ng maid sa bahay namin ni Myeonie. Minsan lang talaga napipilitan akong tumawag ng tagalinis lalo na pag ang busy ko.

Pinagmasdan ko na lang ang buong paligid habang iniintay ko si Lay.

"Papa, ang laki ng house." Rinig kong puri ni Myeonie. Napatingin naman ako sa kaniya at mahinang pinisil ang pisngi niya.

"Ang laki no baby?" Tumango naman si Myeonie.

"Mayaman po siguro friend niyo?" Friend. Kahit na gusto kong itama ang sinabi ng anak ko ay pinili ko na lang ang manahimik. Tumango na lang ako at nginitian ang anak ko.

Dumating na 'yung juice kaya ininom ko na lang. Kinakabahan din kasi ako. Mukhang kailangan ko talaga ng panulak.

Ilang minuto pang paghihintay ay nakarinig na ako ng mga boses na nanggagaling sa taas. Napaayos ako ng upo at hinawakan ng mahigpit ang kamay ng anak ko.

"Nay, sino po ba ang bisita? Wala naman po akong inaasahang bisita ngayon." Rinig kong boses. Sure ako na kay Lay galing ang boses na 'yun. Wow ang galang niya nga ha. Luhuran kita diyan kekekeke.

"Nakalimutan ko itanong ang pangalan eh. Pero nasa baba na siya." Rinig kong sagot ni Lola. Ramdam ko naman na lumalapit na ang pwesto nila sa akin kaya dahan-dahan akong tumayo.

"Ganon ho ba?"

"Oo, ijo. Kaya pumunta ka na lang doon at didiretso na ako sa kusina."

Yun ang narinig ko bago nanahimik ang paligid. Pero rinig ko pa rin ang yabag ng mga paa na papalapit sa amin. Huminga ako ng malalim. Okay, eto na. Bakit ba ako kinakabahan ha. Sasabihin ko lang naman na may anak siya. Ikaw ba 'yan suho? Hindi ka kinakabahan sa mga ganyang bagay diba?! Kaya mo yan!

Tumigil na ang yabag at ramdam ko na nakatayo na siya sa likod ko. Hinawakan ko ulit ng mahigpit ang kamay ni Myeonie.

"Who are you?"

Unti-unti akong humarap nang marinig ang boses niya. Napalunok agad ako pagharap ko.

Shet. Ang pogi.

OTP SERIES #2: YIXING / hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon