Suho's POV
Punyeta.
Kung may sasabihin man ako ngayon ay 'yun ay puro punyeta. Kanina pa ako nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto na'min ni Lay pero hanggang ngayon para pa rin akong napako sa kinatatayuan ko. Kung kanina ang lakas-lakas ng loob ko para sabihin ang lahat kay Lay, ngayon naman konti na lang ay tubuan na ako ng ugat sa harap ng pinto na 'to.
"Jusko," naibulong ko na lang sa hangin. Hindi ko naman alam na mas mahirap pa pala 'to kesa gawin yung thesis ko nung college. Pakiramdam ko, papasok ako sa butas ng karayom sa gagawin ko.
Oh asan na tapang ko ngayon? Hirap kasi sa'kin, hilig ko magpadalos-dalos ng desisyon, e.
Bumuntong-hininga muli ako saka lumanghap ng mga positive energies. I'm slowly losing my confidence. At kapag tuluyan pa itong nawala, malamang ay hindi na muli ako magkakaroon pa ng ganitong pagkakataon.
Bahala na. Sambit ko sa sarili.
It's now or never.
Tuluyan ko ng hinawakan ang seradura ng pinto at dahan-dahan itong pinihit. Itinulak ko ito ng bahagya saka ipinasok ang ulo ko upang silipin ang loob ng kwarto. Napahinga ako ng maluwag. Lay's not here. Pero rinig ko ang tulo ng tubig na nagmumula sa banyo kaya tantiya ko ay nandoon ito. Tuluyan na akong pumasok saka dali-daling pabagsak na humiga sa kama.
So what now? Bulong 'nung boses sa utak ko. I sighed again. Actually, I don't know. Wala naman akong hinandang script para rito 'no. Kaya bahala na talaga. Kung ano man ang lumabas sa bibig ko, bahala na talaga.
Ilang minuto pang pagmumuni-muni ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng banyo. Hindi ako tumingin, ni-hindi ako tumayo o umupo man lang. Mas lalo lang nadadagdagan ang kaba ko. Yung puso ko, parang gusto niya ng lumabas mula sa ribcage ko. Oo na ang oa na, eh, bakit ba.
Pinakiramdaman ko ang bawat galaw niya. Narinig kong binuksan niya ang bag niya dahil na rin sa tunog ng zipper na narinig ko. Hindi pa rin ako tumingin. Nanatili lang akong nakabalagbag sa kama habang nakatingin sa kisame.
I sighed again. I don't know how many times I've sighed but this situation is making me stress more. Hindi ko alam kung ano bang nakaka-stress, kung si Lay ba o ako mismo.
"You okay?" tanong ni Lay sa akin. Bahagya pa akong nagulat doon kaya agad akong napatingin sa kaniya na nasa harap ng pinto ng banyo. He's wearing a blue pajamas with little bears with it. May hawak rin siyang towel na marahan niyang ikinukuskos sa buhok niya. He looks cute with that outfit, pero dahil stress na stress na ako halos hindi ko na mapansin iyon.
Tamad na tamad akong umupo sa kama at tiningnan siya. "Mind if I ask you a question?" Hindi ko sinagot ang tanong niya, bagkus ay dinugtungan ko pa ito ng isa pang tanong.
Taka niya akong tiningnan. "Ah...yes." tila gulo niyang sagot sa akin.
Tiningnan ko si Lay sa mata. The same eyed whom I admired the most. Sinubukan kong basahin ang mga mata niya, but all I can see is pure curiosity. Mapait akong napangiti. I want that eyes to look at me the way how my eyes look at him. But I know that will never happen. Hindi ako yung taong pwede niyang mahalin.
"What if," bahagya akong tumigil. Iniisip kung tama ba itong gagawin ko. Pero sa huli, tinuloy ko pa rin ang gusto kong itanong.
"What if I told you that I like you?"
--
Author's note: Please stream "Don't Fight The Feeling!"
BINABASA MO ANG
OTP SERIES #2: YIXING / hiatus
FanfictionYixing is as pure as white porcelain. Super innocent. Super clean. He knows to himself that he doesn't have any experience to sex pero bakit isang araw bigla na lang may kumatok sa pinto niya at bumungad sa kaniya ang isang lalaki na may hawak na ap...