Suho's POINT OF VIEW
Hindi maganda ang gising ko ngayon. Huwag niyo ng tanungin kung bakit dahil mukhang alam niyo na ang dahilan. Tamad na tamad akong bumaba ng hagdan habang tinatanguan lang ang mga maid na bumabati sa akin. Actually, kanina pa ako gising. Naihatid ko na nga si Myeonie sa school niya eh, bumalik lang din agad ako sa kwarto ko dahil tinatamad ako sa lahat ng bagay ngayon.
At ngayon, bumaba ako dahil nagugutom na ako. Tiningnan ko ang orasan ko, 11 am na. Mag-lu-lunch na. Siguro kailangan ko na lang intayin ang lunch para isang kainan na lang.
Dumaan ako ng kusina at doon ko nakita ang ilang maids na naghahanda ng pagkain, including Jongdae. Sabay-sabay naman nila akong binati. Tumango na lang ako at bagot na umupo sa isang bar stool na nakita ko.
"Hays," I sighed. Ipinatong ko na lang ang kamay ko sa baba ko at tumingin sa kawalan.
"Anyare?" Napatingin ako kay Jongdae na umupo sa tabi ko. Saglit ko lang siyang tiningnan saka bumalik na ulit sa kawalan.
"Wala," simpleng sagot ko. Nagkibit-balikat na lang siya. Saglit kaming natahimik. Parehas lang kaming nakatulala sa kawalan. Mukhang malalim din ang iniisip nitong si Jongdae, ah. Pero I'm too lazy to ask him so I guess sa susunod ko na lang siya tatanungin.
Biglang may pumasok sa kusina kaya sabay kaming napatingin. Kapwa namin nakita si Lay na may kasamang babae.
Ah kasamang babae.
Wait.
ANO?! MAY KASAMANG BABAE SI LAY?!
Nangunot agad ang noo ko. Bakit may kasamang babae 'to? Sino 'yan? Pinakatitigan ko ang babae. Maganda siya. Maganda rin ang hubog ng katawan. Pero walang-wala naman sa akin 'yan. Kung magiging babae ako, I'm sure mas maganda ako dyan! Pero bakit ba kino-compare ko ang sarili ko sa kaniya? Aish! Sino ba kasi 'yan?
"Si Joy." Napatingin ako kay Jongdae nang bumulong ito. Mukhang nabasa niya ang iniisip ko. Wow. Mind reader koya mo. Naging attentive naman agad ako sa kaniya.
Lumapit ako kay Jongdae. "Kaano-ano ni Lay?" Tanong ko. Bahagyang natawa sa akin si Jongdae.
"Kababata ni sir Lay 'yan. Ang ganda 'no?" Sagot niya sa akin. Nalipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa na ngayon ay nasa tabi ni Lola Lucia habang nagtatawanan. Okay, I admit. Maganda talaga si ategurl. Nakasuot lang ito ng simple dress pero dalang-dala niya ito. Her hair is black and straight. Her body has perfect proportion. Ewan, mataas ang tingin ko sa sarili ko pero I feel so insecure seeing her right now. But why do I feel insecure? Bakit?
"Okay," sagot ko na lang. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanila. Joy was saying something to Lay and Lay just laugh at her. Wow. Bakit kapag sa akin sambakol ang mukha niya pero kay Joy, kung makatawa siya akala mo wala ng bukas. Baka akala lang talaga nila walang girlfriend si Lay. Baka si Joy talaga girlfriend niya?
Eh bakit ba ako nag-o-overthink ha? Para naman akong nagseselos sa lagay na 'to!
Bakit hindi ba?
Napatahimik ako at saglit na napaisip. Hindi nga ba ako nagseselos? Hindi ko nga ba talaga gusto si Lay? But why do I acting like this? Kainis naman! Para akong teenager dito, e! Hello, 34 ka na Suho so act like one.
Nagulat ako ng mapatingin sa akin sina Lay at Joy. Napaayos ako ng upo. Nakita ko rin kung paano mag-iba ang mood ni Lay pagkakita sa akin. From happy to poker face. Real quick. Boom.
Napalunok ako ng lumakad na sila papalapit sa amin. Joy is smiling at me. So napilitan akong ngumiti na lang din sa kaniya. I'm not that rude naman. Isa pa, nase-sense ko naman na Joy is a nice girl, malaking threat lang talaga sa akin. Threat? Threat saan Suho? Nababaliw na ata ako takteng 'yan.
"Hello! Ikaw siguro si Suho right?" Hindi na ako nagulat na kilala niya ako. Mukha namang naikwento na ako ni Lay sa kaniya, e. Imbes na kiligin ako mas lalo tuloy akong na-bo-bother. Ano kayang kinukwento ni Lay sa kaniya about sa akin? Siguro puro hindi maganda 'no? Maybe he's telling her how annoying I was, or sa kaniya siya nagsubong about sa pag tresspas ko sa kwarto niya.
Tumayo ako para mapantayan siya. Halos magkasing-tangkad lang kami. Lalo tuloy akong na-insecure dahil sa magkasing-tangkad lang kami! Ano ba 'yan! Bakit kasi pandak ako!
"Hello! Ako nga." I tried my best to be hyper. Pilit na pilit na rin ang ngiti ko para lang hindi maging rude towards her. Ngayon na mas malapit siya sa akin mas nakikita ko ng malapitan ang mukha niya.
And I can say.....she's really beautiful. Her beauty is a head turner. I'm sure maraming nagkakandarapa sa kaniya and Lay is not an exemption. The way he laugh and looks at Joy, hindi naman ako bulag para hindi mapansin iyon.
Haha. Lalo tuloy akong na-i-insecure.
"Gosh. You're so white! Ang soft din ng skin mo! Nakakainggit naman!" She said. Tumawa na lang ako ng awkward sa kaniya. Really? Siya maiinggit pa sa akin? Baka ako pa ang mainggit sa'yo.
"Nasa genes lang talaga. Jk!" Pabirong sabi ko para ma-lift na lang mood ko. Tumawa siya sa akin. I can't help to admire her laugh. Wow. Lahat na lang ata maganda sa kaniya. Sana all.
Napatingin ako kay Lay na nakamasid lang sa amin. Nagtagpo ang mga mata namin pero agad din siyang umiwas. Gusto kong matawa ng mapakla. See? He can't even look at me.
Haha. Nasasaktan ata ako.
BINABASA MO ANG
OTP SERIES #2: YIXING / hiatus
FanfictionYixing is as pure as white porcelain. Super innocent. Super clean. He knows to himself that he doesn't have any experience to sex pero bakit isang araw bigla na lang may kumatok sa pinto niya at bumungad sa kaniya ang isang lalaki na may hawak na ap...