20

27 5 0
                                    

Suho's POINT OF VIEW

"Goodmorning po sir Suho."

"Goodmorning din po!"

Good mood ako ngayon. Kaya dapat lahat ng tao sa paligid ko ay happy pati bagay! Binati ko na nga kanina 'yung halaman sa hagdan, yung pinto. Lahat sila dapat masabuyan ko ng happiness. Maaga ako nagising ngayon. Hindi ko rin alam bakit ako good mood. Basta nagising na lang ako na sobrang ganda ng gising ko. Lalo na ng makita ko ang mukha ko sa salamin, lalong gumanda ang mood ko. Hays, ang gwapo ko kasi sobra.

Nadaanan ko si Chen na naghahanda ng mga kubyertos. Agad ko rin siyang binati.

"A very goodmorning Jongdae!" Masiglang bati ko kaya agad siyang napatingin sa akin. Natawa naman siya.

"Goodmorning din! Ang good mood na'tin ha?" Nginitian ko na lang si Dae saka dumeretso na ng dining area. Doon ko nadatnan si Lay. Umiinom na siya ng kape niya at bihis na rin. Mukhang papasok siya ng trabaho. Agad naman akong lumapit sa kaniya at ngiting-ngiti siyang hinarap.

"Rise and Shine! Goodmorning!' itinaas ko pa ang kamay ko at nag-form na parang araw. Nakita ko pa nga si Jongdae na natatawa sa ginawa ko pero good mood ako ngayon, mamaya ko na hahampasin 'yang dinosaur na 'yan.

Tiningnan ako ni Lay na para akong isang baliw na nakatakas sa mental tapos saka bumalik na sa kape niya. What the hell???? 'Yun na 'yon? Ni-wala man lang simpleng "morning" or kahit mag-bow man lang siya sa akin katulad ng dati. Lintek 'yan. So hindi na kami formal ngayon? Wala na talaga kaming pansinan?

Napasimangot agad ako. Tangina sayang effort ko! Tapos napahiya pa ako. Napatingin naman ako kay Jongdae na halos maglupasay na sa sahig sa kakatawa habang sinasabi sa akin na "wala ka talagang pag-asa beh, suko ka na". Muntik ko ng maitaas ang middle finger ko sa kaniya pero pinigilan ko. Mamaya ka sa'kin talaga Jongdae. Hindi ka na sisikatan ng araw.

Padabog akong umupo ng upuan pero parang walang paki itong si Lay. Punyeta. Sira agad ang mood ko! Sayang ang napakaganda kong gising! Sinira mo lang Lay Zhang! Isa kang namo namo namo!

Wala pa akong ilang segundong nakakaupo ay tumayo na agad si Lay.

"Manong, paki-ready po ng kotse, aalis na po ako," huling sinabi niya bago tuluyang umalis.

'Namo Lay. Halatang umiiwas ka sa akin ah. Sinasagad mo talaga pasensiya ko.

Babawi ako sa'yo. At sisiguraduhin ko na ako ang mananalo sa'ting dalawa.

OTP SERIES #2: YIXING / hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon