Suho's POINT OF VIEW
Kanina pa ako nakatulala sa kawalan simula ng umalis ako sa kwarto ni Lay. Ang dami kong iniisip. Alam ko na hindi dapat pinag-iisip ang gwapong tulad ko pero hindi ko talaga maiwasang isipin ang lahat ng nakita ko sa kwartong iyon. Lahat ng gamit ay itim at pati yung pag-iiba ng ugali kanina ni Lay. Parang....parang hindi siya yung kausap ko kanina. Ewan, 'yun ang pakiramdam ko, e! Parang ibang tao 'yung naandun sa loob ng kwarto na 'yun. Aish! Bahala na. Sino ba kasing nagsabi sa'yo na isipin mo 'yang si Lay, ha. Wala naman, diba Suho?!
Umupo ako sa kama ko at inis na hinilamos ang mukha ko. Simula ng pumasok ako sa mansion na 'to puro Lay na lang ang nasa utak ko. Mali 'to eh. Mali! Hindi ko dapat hinahayaan na masaniban ako ng kaharutan. Dangerous 'to, e.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ang phone ko. Tiningna ko lang ito at agad ko ring ibinalik sa bulsa ko nang makita na update lang pala sa hospital ko ang text. Yes, "ko". Pagmamay-ari ko ang hospital na pinagtatrabahuhan ko. At dahil leave nga ako, nag-u-update na lang sila ng mga nangyayari sa hospital. Ayoko pa kasing bumalik doon. Ayoko pang magtrabaho. Gusto ko pang makasama 'yung anak ko.
Anyways, 'yung hospital na pinagtatrabahuhan ko sa America at 'yung nandito sa Korea ay parehas pagmamay-ari ko. E, sa gusto kong magtayo din sa America, e. Ano bang pake niyo? (nonsense tong part na to pagpasensiyahan niyo na ako huhu)
Napatayo ako sa sobrang pagkabagot. Nakakainis. Ang laki-laki ng bahay na 'to pero wala akong magawa! Lumabas na lang ako at bumaba papuntang sala. Doon ko nakita si Jongdae na nakaupo habang nanonood. Tumabi naman ako sa kaniya.
"Nagulat naman ako sa'yo!" Bulyaw niya sa akin. OA din ng isang 'to eh. Tinabihan lang.
Nagkibit-balikat ako na lang ako. "Panood ako."
"Nanonood ka na nga eh," sagot niya kaya inirapan ko siya. Edi wow niya. Sapakin kita dyan, e. Natawa naman siya sa ginawa ko at nanonood na lang sa tv. Yun lang ang ginawa naming dalawa hanggang sa mabagot na ako. Hindi ko alam 'yung pinapanood niya pero I found it boring kaya tumayo ulit ako at pumunta ng kusina. Kakain na lang ako! Jusmiyo 'yan!
Binuksan ko ang refrigerator nila and as usual, punong-puno ito ng iba't-ibang klase ng pagkain. Nagningning naman ang mga mata ko sa nakita. Konti na lang papasok na ako sa ref, serious 'to.
Kumuha ako ng snacks at chocolates. Wow. Stress eating. Stress ka ghorl? Napakamot pa ako ng ulo sa mga kinuha kong pagkain. Diet pa naman ako ngayon. Pero bahala na. Minsan lang naman.
Dala-dala ko sa dining area ang mga chocolates at snacks na dala ko. Duh, hindi ako pupunta sa may sala. Manghihingi 'yung si Jongdae eh! Ayoko nga. May nakita naman akong ilang maids sa dining area. Binati lang nila ako.
Inumpisahan ko ng lantakan 'yung mga pagkain nang marinig ko na may pumasok. Agad na niyakap ko ang mga pagkaing dala ko dahil baka si Jongdae 'yon.
"Hoy Jongdae bawal humingi ah!" Sabi ko ng hindi nakatingin sa kaniya. Hindi ito sumagot kaya agad akong napatingin sa likuran ko at laking gulat ko nang makitang hindi si Jongdae 'yong nasa likod ko!
Si Lay! Agad naman akong napatayo at nag-bow sa harap niya. Wait bow?
"H-Hello hehe." Seriously?! Ako ba talaga 'to? Ano bang nangyayari sa akin!
Nakita ko na nag-bow rin siya sa akin. Ang formal naman. Tinatanggap ko na ba talaga na para kaming business partners ni Lay? Ganto na lang ba talaga Suho? Hindi mo ba papangarapin maging asawa ni Lay—shet wala akong sinabi! Ano ba 'to!
Umupo agad ako patalikod sa kaniya at nag-busy-busyhan sa pagkain ko. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan 'yung nangyari kanina. Pero ngayon ko lang na-realize na ang hot niya pala pag nagagalit 'no? His piercing eyes. Parang binabasa ang buong kaluluwa ko. Pero shet madahpaker. Ang hot pa rin tingnan kahit nagagalit siya. Ay shet. Ang harot mo na masyado sa kwentong 'to Suho ha. Naguguluhan sa'yo ang readers.
Nakita kong lumapit sa pwesto ko si Lay kaya naging attentive ako. Nako maling-mali! Dito niya pa ata balak tumambay! Jeske. Save me.
Umupo siya sa upuan sa harap ko. Lalo akong napalunok. Omg. Feeling ko tuloy mag-asawa kami hihihi. Nakita ko na may inilapag siyang isang mansanas at bote ng fresh juice. Napaka-healthy naman. Hiyang-hiya sa kinakain ko. Tsaka grabe, apple? Apple talaga? Parang tinataboy ako ha, nakakahurt ha.
(A/N: para sa mga hindi naka gets, diba may qoute tayo na "an apple a day, keeps the doctor away"? Eh diba doktor si Suho? So feeling niya tinataboy siya ni Lay. Gets niyo? Hehehe)
Nakayuko lang ako habang kumakain. Kain here. Kain there. Diba stress-eating 'to? Bakit mas lalo akong na-i-stress sa kinakain ko. Or baka dahil andito si Lay? Eh bakit? Argh! Kainis naman.
Walang nagsasalita sa amin. Wala naman kaming i-to-topic sa isa't-isa eh. Pero akala ko stay silent lang kami hanggang sa matapos akong kumain pero bigla siyang nagsalita.
"B-Bakit nga pala pumunta ka sa kwarto ko?" Paninimula niya. Napatingin naman ako sa kaniya. Patay. Bakit nga ba ulit ako pumunta sa kwarto niya? Ah! Dahil pala kakausapin ko siya kung bakit niya ako iniiwasan! Pero hindi ko na sasabihin 'yun. Joke lang 'yon!
"W-Wala. N-Naligaw lang. Hehe," sagot ko. This is not me na talaga, ha. Hindi ako 'yung klase ng tao na mauutal sa iba. Sila ang mauutal ng dahil sa akin. (#anghangin)
Napatango na lang siya. Tapos ayun, end of conversation. Tapos ang usapan. Ano ba naman 'tong story na 'to. Ang boring ha.
Natapos kaming kumain ng walang nagsasalita sa aming dalawa. Takteng 'yan.
-
A/N: may nagbabasa pa ba? HAHAHAHA
BINABASA MO ANG
OTP SERIES #2: YIXING / hiatus
FanfictionYixing is as pure as white porcelain. Super innocent. Super clean. He knows to himself that he doesn't have any experience to sex pero bakit isang araw bigla na lang may kumatok sa pinto niya at bumungad sa kaniya ang isang lalaki na may hawak na ap...