25

31 4 0
                                    

Nakaupo lang si Lay sa sofa habang pinagmamasdan ang likod ni Suho na umaakyat ng hagdan. Umiiwas sa kaniya si Suho. Alam niya 'yon. Simula ng halikan siya kahapon ni Suho at tulakin niya ito ay iniiwasan na siya ni Suho.

Inaamin ni Lay na nagulat siya ng bigla siyang halikan ni Suho kaya naitulak niya ito pero nang makita niya kung paano masaktan si Suho sa ginawa niya, physically and emotionally, ay parang nakonsensiya agad siya.

Pero bakit niya kasi ako hahalikan? Para saan?

Ang daming tanong ni Lay sa isipan niya. Pero ni-isa wala siyang makuhang sagot.

Pinatay na lang ni Lay ang tv saka tulalang tumingin sa kawalan. Pero natigil din siya sa pag-iisip nang makita si Jongdae na pumasok ng mansion niya.

"Jongdae." Tawag niya si binata. Agad naman na tumingin si Jongdae sa kaniya. Nanlaki ang mga mata nito at itinaas ang mga kamay.

"Ser! Wala po akong kinalaman diyan! Wala po akong kasalanan!" Nangunot ang noo ni Lay sa mga pinagsasabi ni Jongdae. Ang weird kasi. Wala naman siyang sinabi bukod sa pangalan nito tapos ganito na agad ang sinabi.

Binigyan niya ng confuse na look si Jongdae.

"Kasalanan? Saan? Anong kasalanan?" Kunot na kunot na noong tanong ni Lay. Doon naman ibinaba ni Jongdae ang dalawang kamay niya at nakangiting binalingan si Lay.

Lalo tuloy na-confuse si Lay sa pagbabago ng mood ni Jongdae.

"Wala po sir. May iuutos po ba kayo?" Nakangiting tanong ni Jongdae. Bagamat naguguluhan si Lay sa ikinilos ni Jongdae, hindi niya na lang pinansin ang binata.

Inisip niya na lang kung bakit niya nga ba tinawag si Jongdae. Bakit niya nga pala tinawag si Jongdae? May sasabihin ba siya? Ah meron, kaso nahihiya lang siyang itanong 'yon. 

Nakamata lang sa kaniya si Jongdae na parang iniintay ang sasabihin niya. Itatanong ko ba? Kaso baka kung anong isipin ni Jongdae?

"Anong pong iisipin ko sir?" Oh shoot. Nagulat si Lay nang magsalita si Jongdae. Nasabi niya na pala 'yung nasa utak niya. Gusto niya tuloy batukan ang sarili.

Tumingin siya kay Jongdae na nakatingin lang sa kaniya. Pawang iniintay ang sasabihin niya. Tumikhim si Lay. "Ahh..."

Umakto naman si Jongdae na iniintay ang sasabihin ni Lay.

"Wala pala. Nakalimutan ko," huling sinabi nito bago tuluyang lumayas sa harap niya.

Napakamot na lang ng ulo si Jongdae.

--

A/N: SABAW NA SABAW TONG CHAPTER NA TO GASH.

OTP SERIES #2: YIXING / hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon