Suho's POINT OF VIEW
"CONCERN na concern ha?"
Napatingin ako kay Jongdae saka siya sinamaan ng tingin. Binatukan ko nga.
"Aray naman bakit ka nambabatok!?" Reklamo niya. Inirapan ko na naman ito. Sa dami ba naman kasi ng sinabi ko 'yan lang ang isasagot niya?!
Nandito kami ngayon sa likod ng mansion. Nakaupo. Ako lang talaga ang nandito pero biglang dumating si Jongdae at tumabi sa akin. Edi sakto na gusto ko ng kausap, edi kinausap ko.
Alas-otso na ng gabi. Tulog na rin si Myeonie pero ako hindi makatulog. Kaya nagpasiya ako na tumambay muna dito sa likod ng mansion nila Lay.
"Nakakainis ka kasi," Iritang sagot ko. Natawa naman siya. Pinag-uusapan kasi namin 'yung mga nakita ko nga sa kwarto ni Lay kahapon. Hindi kasi mawala sa isip ko, e. Pakiramdam ko hindi lang dahil sa favorite color niya ang black, according to Jongdae, feeling ko may mas malalim pang dahilan bukod doon.
"Eh bakit hindi mo tanungin?" Napating muli ako kay Jongdae nang magsalita ito. Napailing naman agad ako.
"Ayoko nga. Nakakahiya," sagot ko na tinawanan niya lang uli. Minsan nakakabwisit na din 'yang palaging nakangiting mukha ni Jongdae eh. Kita mo ngayon. Seryoso ako tapos siya patawa-tawa lang. Sapukin ko 'to, e.
"Eh bakit ba sobrang curious mo? May gusto ka ba kay Sir Lay ha?" Nagulat ako sa itinanong niya. Babatukan ko na sana siya ulit nang mapatigil ako.
Napaisip ako. Gusto ko ba si Lay? Ewan. Aminin ko, physically attracted ako kay Lay. Pero it doesn't mean that I already like him right? Pero binigay ko nga sarili ko sa kaniya so it means that I like him? Like is a strong word. Kaya hindi ko alam kung gusto ko ba talaga si Lay. Ano ba 'yan ang gulo!
I sighed. In the end, isa lang din ang naisagot ko kay Dae. "I don't know.." bulong ko
"Nako ingat ka." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Jongdae. Ingat? Saan ako mag-iingat?
"Bakit?"
"Ingat ka baka mahulog ka. Baka hindi ka masalo ni Sir, e," sagot nito. Natatawa si Jongdae pero feel ko na may sense ang sinasabi niya. Na-curious tuloy ako lalo.
"Bakit naman?" Usisa ko. Tumingin sa akin si Jongdae saka mahinang natawa.
"Never pa kasi nagkagusto 'yan sa kahit na sino. Legit. 3 years akong nandito pero matagal ko ng kilala si Sir Lay dahil ang parents ko ang unang nagtrabaho dito. At ni-minsan daw ay ni-hindi man lang nagkaroon ng girlfriend 'yan si Sir. May mga pumupunta pa nga dito para manligaw sa kaniya eh. Mapa-babae man o lalaki. Sabi nga ng iba baka asexual si Sir. Pero nagkaanak kayo so means hindi? Ewan. Basta ingat ka na lang, kung maaari 'wag masyadong mahulog baka hindi ka masalo," makahulugang sambit niya sa akin. Tumatak sa utak ko lahat ng sinabi niya. Naaalala ko tuloy 'nung unang beses kong pumunta dito, ang sabi niya "virgin" siya. So???? Totoo na wala siyang karanasan sa kahit na sino maliban sa akin? Tingini. Keneleg nemen eke den.
Ibig-sabihin ba ako ang first kiss at first *ehem alam niyo na 'yun* niya?! Shet. I feel proud tuloy! I am Lay Zhang's first pala.
"Ang weird mo. Sinabihan kita na mag-ingat baka mahulog ka sa kaniya tapos ngi-ngiti-ngiti ka diyan," Narinig kong boses ni Jongdae. Ay. Nakangiti na pala ako. Eh sa natutuwa ako na ako pala ang first of everything ni Mr. Lay Zhang eh.
"I'm sure naman na kung may una mang may mahuhulog sa amin, siya 'yon no!" Bulyaw ko sa kaniya. Natawa naman siya lalo sa sinabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Talaga ba? Eh hindi ka nga pinapansin eh! HAHAHAHAHA!" Tangina mo, Jongdae. Napasimangot agad ako sa sinabi niya. Aish! Naalala ko tuloy kanina na binati ko siya kaninang umaga tapos hindi ako pinansin?! Dinaanan lang ako tapos 'yun na 'yon?! Para akong hangin bes! Napahiya ako 'dun. Sobrang hyper ko pa naman kanina tapos ganun lang gagawin niya? Ewan, nabwisit talaga ako 'don argh!
"Alam mo tatamaan ka na sa'kin eh! Nahihiya lang 'yon! No one can resist Kim Junmyeon! Tsk!" Inis na sagot ko. Lalo siyang natawa sa sinabi ko. Alam niyo onti na lang sasamain na sa akin 'tong si Jongdae eh. Duh! Totoo lahat ng sinasabi ko! Lahat sila handang ibigay ang lahat para sa akin.
At sisiguraduhin ko na pati ikaw Lay Zhang, bibigay ka din sa akin!
Itaga mo sa bato 'yan!
--
A/N: now I guess I'm finally back?
BINABASA MO ANG
OTP SERIES #2: YIXING / hiatus
FanfictionYixing is as pure as white porcelain. Super innocent. Super clean. He knows to himself that he doesn't have any experience to sex pero bakit isang araw bigla na lang may kumatok sa pinto niya at bumungad sa kaniya ang isang lalaki na may hawak na ap...