Suho's POINT OF VIEW
One month. One month na ang nakalipas simula ng pumunta si Lay sa condo ko. Ewan ko nga kung bakit tuwing mag-uumpisa ako ng point of view ko ay palagi kong binibilang ang mga araw na lumipas. Pero sige go.
Halos one month na rin kaming nakatira dito sa mansion ng mga Zhang. Yes, pumayag ako sa gusto ni Lay na doon kami tumira sa mansion niya. Marupok ako eh. Charot. Pumayag ako para kay Myeonie. Tutal wala rin naman akong sariling bahay dito sa Korea so much better na tumira na lang talaga ako at ang anak ko sa mansion niya. At isa pa, para makabawi na rin si Lay sa anak niya.
And speaking of Myeonie, naaalala ko pa kung gaano siya kasaya noong nakita niya ang Daddy niya. Halos ayaw na nga kumawala sa pagkakayakap sa daddy niya eh. Nagmukha pa akong chaperone sa kanilang dalawa. Pero okay lang, ngayon lang naman sila nagkita.
"Goodmorning Ser Suho." Napatingin ako kay Lola Lucia na bumati sa akin pagkababa ko pa lang ng hagdan.
"Goodmorning din po!" Masiglang bati ko. Kagigising ko lang kasi. Hindi naman ako late nagising dahil early bird ako. 7 am pa lang pero syempre mas maaga magising ang mga maid dito. Hindi nga ako sanay eh. Diba sinabi ko naman sa inyo na wala kaming masyadong maid sa amin? Isa pa, hindi ako nagpapatawag ng may "sir" sa pangalan ko dahil feeling ko ang tanda ko na. Pero siguro kailangan ko ng masanay. Kahit nga ilang beses ko silang sabihan na 'wag na akong tawaging "Sir Suho", tinatawag pa rin nila ako ng ganun. So, sasanayin ko na lang talaga sarili ko.
Si Myeonie naman tulog pa. Sa kwarto ko kasi siya natutulog eh. Dapat nga may sariling kwarto 'yun dito pero mas gusto niya daw na katabi ako matulog so sinabi ko na lang kay Lay na saka na lang gamitin ni Myeonie ang kwarto niya.
Dumeretso ako sa kusina at nakita ko na busy silang lahat sa pagluluto. Madami silang niluluto dahil madami din naman silang nandito. Pero isa lang talaga ang nakatira. Si Lay lang. Siya lang.
Binati agad nila ako nang makita nila akong pumasok ng kusina. Nagtanong lang ako kung pwede akong tumulong pero ang sabi nila umupo na lang ako. Ano ba yan, nagmumukha tuloy akong prinsepe dito.
Pumunta na lang ako ng sala at doon ko nadatnan ang butler ni Lay, si Jongdae. Si Jongdae ay mas bata ng dalawang taon sa akin. Actually, siya na ang pinakabata sa lahat ng taong nandito kaya siya ang madalas kong nakakausap dito. May pagka-siraulo din kasi 'tong isang 'to.
"Goodmorning Dae," bati ko sa kaniya. Tumigil naman siya sa paglilinis at humarap sa akin.
"Goodmorning Suho," bati niya pabalik. Dahil nga si Jongdae ang pinakakasundo ko sa lahat ng nandito, siya talaga ang pinakapinilit ko na tawagin na lang ako sa pangalan ko. Ang awkward naman kasi. Ah basta! Hindi talaga ako sanay na tinatawag niya akong sir.
"Ah...si Lay?" Alanganing tanong ko. Hindi ko kasi nakita. Eh madalas nakikita ko 'yun dito nag-aalmusal na eh. Pero ngayon wala akong nakitang Lay.
"Lumabas lang para mag-jogging. Babalik din 'yun." Napatango naman ako at umupo na agad sa upuan ko. Pinagmasdan ko na lang si Jongdae na maglinis. Gwapo din 'tong isang 'to eh. Tapos maganda pa boses. Narinig ko kasing kumanta 'to. Sabi ko nga sali siyang singing contest eh. Sabi niya, hobby niya lang daw kumanta. Sayang naman.
Hindi rin nagtagal ay pumasok na si Lay ng pawis na pawis. Gosh. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Matinding tukso to! Nakasuot lang si Lay ng gray na sando at black na short dahil malamang nag-jogging nga siya diba? Alangan namang mag-tuxedo siya? Aish. Mas malaya ko tuloy na nakikita ang ma-muscle niyang biceps at dahil basa ang gray niyang sando dahil sa pawis, bakat na bakat rin ang abs niya. Shet talaga. Eng yummy nemen pe. Napatingin sa akin si Lay kaya inayos ko ang sarili ko. Umakto ako na parang wala lang sa akin na makita siyang ganyan. Pero deep inside nagpapaparty na ako sa nakikita ko.
Lumakad ito papalapit sa akin kaya umayos ako ng upo. "Good morning."
"Good morning din." Bati ko. Tapos umalis na siya at umakyat sa kwarto niya. Oh diba? Ganoon lang kami lagi. Ang formal. Lintek 'yan. Hindi ko nga alam kung iniiwasan niya ako o ayaw niya lang ako kausapin. Hindi naman siya ganito sa iba, ang saya nga niya pag kasama si Myeonie eh. Tapos pag sa akin, para kaming business partners sa sobrang formal niya? Ewan ba. Naguguluhan ako pero hinahayaan ko muna, baka magbago pa after ilang months.
"Grabe makatitig kay sir ah," rinig kong komento ni Jongdae. Napanguso na lang ako kaya natawa siya.
"Nahihiya lang 'yun sa'yo kay ganyan," paninigurado ni Jongdae.
Napatingin ako sa kaniya. "Talaga?"
"Oo nga," sagot nito. "Tatlong taon na ako dito 'no kaya kilala ko na 'yang si Sir Lay. Ganyan din siya sa akin 'nung una eh, pero eventually, nag-iiba na ang pakikitungo niya sa akin. Hintayin mo lang. Magbabago din 'yun." Napatango na lang ako. Okay lang naman. Siguro masyado lang talaga siyang mahiyain kaya ganyan. Anyways, alam nilang lahat ang sitwasyon na meron kami ni Lay. Naguluhan nga sila 'nung una pero 'nung in-explain ko 'yung case ko sa kanila ay unti-unti na rin silang naliwanagan. Naaalala ko pa nga na napitik ni Lola Lucia yung noo ko dahil bakit daw hindi ko agad sinabi sa kaniya 'nung nagkita kami. Nag-sorry naman ako noon habang natatawa.
Maya-maya ay narinig ko na ang boses ng anak ko na papalapit sa akin.
"Papa!" Agad na sinalubong ko ang anak ko. Binuhat ko siya at pinaupo sa lap ko.
"Goodmorning my baby! How's your sleep?" Masiglang tanong ko habang pinipisil ang mataba niyang pisngi.
"Okay lang po Papa!" Sagot niya. Inalis ko naman na sa lap ko si Myeonie at pinaupo na sa upuan sa tabi ko. May mga pinagkuwentuhan pa kami ni Myeonie bago dumating na ng tuluyan ang mga pagkain. Ang dami sobra. Told you, madami din kasi ang kakain dito. Kasabay naman ng pagdating ng pagkain ay ang pagdating din ni Lay na ngayon ay nakabihis na. Simpleng shirt at pantalon lang ang suot niya.
"Daddy!!!" Tumalon-talon pa si Myeonie habang papunta sa daddy niya. Ito talagang anak ko palaging hyper.
Sinalubong naman ito ni Lay ng yakap saka binuhat.
"My cutie fluffy Myeon!!" Myeon. Myeon ang tawag niya kay Myeonie. Palayaw lang naman talaga niya yung Myeonie eh. Kim Jangmyeon talaga ang tunay na pangalan ng anak ko, na ngayon ay magiging Zhang Jangmyeon na. Syempre 'yung myeon, galing sa akin tapos yung Jang? Kung saan-saan ko lang nakuha 'yon. Bakit ba.
Humagikgik ang anak ko kaya napatawa na rin si Lay. Napangiti ako. Sa loob lang ng isang buwan ay nagkakasundo na agad sila. Ang bilis lang nilang nagkasundo. Samantalang ako, hanggang ngayon parang business partner pa rin ni Lay. Sa totoo lang, hindi ako convinced sa sinabi ni Jongdae na nahihiya lang sa'kin si Lay. Malakas talaga ang kutob ko na iniiwasan niya ako eh. Tsk. Eh bakit naman? Para saan? Bahala nga siya dyan! Pasalamat siya gwapo siya sa paningin ko kundi nabugbog ko na talaga 'to eh.
Kumain na lang ako para mawala ang inis ko.
-
a/n: here's an update!
BINABASA MO ANG
OTP SERIES #2: YIXING / hiatus
FanfictionYixing is as pure as white porcelain. Super innocent. Super clean. He knows to himself that he doesn't have any experience to sex pero bakit isang araw bigla na lang may kumatok sa pinto niya at bumungad sa kaniya ang isang lalaki na may hawak na ap...