30

24 6 0
                                    

Simula pa lang ng bata si Suho, nakasanayan niya na lagi siyang una sa lahat. Una sa school, sa honors, sa kalokohan at kung ano pa man. He's competitive, dahil iyon din ang turo sa kaniya ng mga magulang niya. He should be on top, he should always be the first kaya rin siguro lumaki siya ng mataas ang tingin sa sarili. Tingin niya kasi lahat kaya niya, lahat madali lang, lahat magiging okay lang. Ang panget ng perspective niya sa buhay, e. But it all change when THAT GUY enters his life. Ever since he met that guy, he slowly realized everything. That drunk guy he met at the bar who became the father of his son. Doon niya na na-realize how cruel and hard life is.

When his parents found out that he's pregnant, halos mamatay sa galit ang mga ito na tipong nagawa pa siyang itakwil kaya natututo siyang tumayo mag-isa. He became independent, tapos idagdag mo pa na buntis siya. Buti na lang, nasa tamang edad na rin siya kaya meron na ring siyang business kahit papaano. But the hardest part is, he doesn't know how to raise a child. He is the only son, and honestly, wala siyang balak na magkaanak noon kaya how will he do it? But when he gave birth to Myeonie, parang nawala lahat ng alinlangan niya, halos puro saya at tuwa na lang ang naramdaman niya ng mga araw na iyon. Kaya nagsumikap siya. Yung maliit na clinic niya noon, lumago ng lumago hanggang sa maging isang malaking hospital na. Natuto siyang magsumikap nang hindi na humihingi sa magulang.

That's why, he wanted to thank Yixing. He wanted to thank him for meeting him that night. He wanted to thank him for bringing Myeonie to his life. Maybe Yixing didn't know, but because of him, Suho's life became more meaningful and colorful.

--

"Wow," komento agad ni Suho sabay na patalong humiga sa kama. "Ang lamboooot!" kinuha nito ang mga unan at niyakap, animo'y hindi nakahiga sa malambot na kama sa buong buhay niya.

Hindi akalain ni Suho na ganito pala ang pupuntahan nila. Ang in-e-expect niya kasi na kapag camping sa bundok ay yung magtatayo kayo ng mga tent, tapos magbobonfire sa gabi habang nagkakantahan, pero wala man lang nakapagsabi sa kaniya na modernized pala pupuntahan nila!

Pagdating pa lang nila, makikita na agad yung isang malaking bahay na nakatayo halos sa gitna ng bundok, and guess what, hindi sila nag-hike, may daanan na talaga ng sasakyan paakyat don! So basically, it's like a mountain resort. Tapos mas lalo pa siyang nagulat nang pumasok siya papasok sa malaking bahay, napakarami nitong kwarto na tipong para talaga sa mga guest ang lahat. Kaya here he is, in his own room. And yung mga bata naman ay may sarili ding kwarto but Myeonie and Gavin decided to be in one room.

Umikot si Suho sa kama at tinitigan ang puting kisame. Nararamdaman niya na ang ang antok, unti-unti niyang pinikit ang mga mata niya, hanggang sa...

"Ahm.."

Biglang napamulat si Suho nang makarinig siya ng isang boses sa labas ng pinto. Agad siyang bumangon at bumungad sa kaniya si Lay na may dalang camping bag.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Suho.

"Ah.." pag-uumpisa ni Lay. "This is my room?"

Agad na napakunot ng noo ni Suho. Itinaas niya ang kaliwang kilay niya sabay tayo paharap kay Lay.

"No. This is not your room." pagmamatigas ni Suho. Akala mo bata kung mag-tantrums.

Napakamot na lamang si Lay sa ulo sa inasta ni Suho. "Ah..didn't they tell you that we need to share one room?"

"Talaga?" Pagtataray ni bakla. "Sino nagsabi?"

Muling napakamot ng ulo si Yixing. "Only one guardian or parent is allowed to be here but it happens that we're two so we need to share one room."

Napatalikod na lang si Suho sa inis. Naiinis siya. Hindi kay Lay, kundi sa sarili niya. Naiinis siya na kailangan pang mangyari ito lalo na ngayon na naguguluhan siya. He's confused again and being with Lay, sharing one room and one bed, is confusing him more. And lastly, naiinis siya kung bakit ba palagi siyang pinapahirapan ni Lay. Argh, I need to unwind.

Humarap muli si Suho kay Lay. Si Lay naman ay tahimik lang na nakatingin sa kaniya, pawang iniintay ang sasabihin niya. Bumuntong-hininga si Suho.

"Okay fine." Pagsuko niya. "You can sleep here." Huling sinabi niya bago lumabas ng kwarto.

OTP SERIES #2: YIXING / hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon