Suho's POINT OF VIEW
"Ikaw?!"
Gulat na gulat ako. Nanlalaki pa ang mga mata ko. Bakit—Anong—Paano? Wait. Ang OA mo na medyo Suho. Hindi ikaw 'yan. Palagi kang kalmado dapat eh. Hindi 'yung ganyan.
Kinalma ko ang sarili ko. Okay, inhale, exhale. Whoo!
"Bakit ka nandito?" Seryosong tanong ko. Pinakatitigan ko ang kabubuuan niya. Kumpara sa huli naming pagkikita, he was wearing a suit now. Very formal. Parang galing pa siya sa isang business meeting tapos saka pumunta dito. I can't help but to stare at him. Bakit ba ang gwapo niya in every way ha? Nagkakasala ako agad nito ang aga-aga eh.
Pero anyways, remain serious Suho. Galit at disappointed ka sa kaniya diba? Galit ka kay Lay diba?
Oo mga beh! Si Lay ang dumating. Hindi ko alam kung bakit natagalan 'to. Pero anyways, nandito na siya so gora na lang ako.
Umiwas siya ng tingin sa akin. Cute. Pero galit ako kaya serious mode muna.
"N-Nagpa-DNA ako..." pag-uumpisa niya. I remained calm dahil expected ko na rin na ayan ang sasabihin niya. Hindi naman siya pupunta dito kung hindi na siya naniniwala sa akin eh.
"Okay." Simpleng sagot ko. Napatingin siya sa akin na parang tinitingnan ang naging reaksiyon ko pero agad rin siyang umiwas ng tingin.
Binuksan ko ng maluwag ang pinto at binigyan siya ng way para makadaan. Nangunot naman ang noo niya. Okay, medyo slow talaga siya according to Kris. Cute pero serious ako ngayong diba? Wait, bakit ba kanina ko pa siya sinasabihan ng cute?! Eh cute naman kasi talaga.... Ay nyeta mamaya ka na nga humarot!
"Pasok ka." Kalmadong sabi ko. Doon naman siya naliwanagan. Nag-bow muna siya sa akin bago hinubad ang sapatos at pumasok sa loob. Wow. Well-mannered. One point ka sa'kin char.
Pinaupo ko siya sa sofa ko. Tinanong ko siya kung anong gusto niyang inumin pero ang sabi niya kahit ano. Um-oo na lang ako. Kahit ano daw edi tubig na lang. Charot. Effort-effort din naman ako. Ginawan ko siya ng sandwich tsaka pinagtimpla ng juice. Oh diba? Pwede ng housewife? Harot naman Suho.
Bumalik ako sa kaniya after ko matimpla ang juice at magawa ang sandwich.
"Here. Eat." Seryoso pa ring sabi ko. Nag-bow naman ulit siya sa akin bago dahan-dahan na kinuha ang tinapay at kinagatan. Nakamasid lang ako sa kaniya. Hindi pa rin siya makatingin ng maayos sa mata ko pero kita ko na nasarapan siya sa ginawa kong sandwich. Napangiti ako pero slight lang. Serious mode ako ngayon eh.
"Sabi mo nagpa-DNA ka?" Pag-uumpisa ko pagkalipas ng ilang saglit. Tumigil naman siya sa pagkain saka uminom muna ng juice bago ako sagutin.
"A-Ah y-yes." Muntik na akong mapangiti sa pagka-utal niya. Seriously? 'Nung unang sinabi sa akin ni Kris na si Lay ay 'yung tipo ng tao na slow, mahiyain, inosente at palaging confuse, hindi agad ako naniwala. Eh paano hindi naman 'yan ang nakita ko sa kaniya 5 years ago. Pero ngayon na nakikita ko na sa mismong harapan ko ang tunay na ugali niya, I can't help but to smile and find him amusing.
Okay I admit. He's definitely cute.
"And I guess the result comes out... positive?" Tanong ko. Dahan-dahan siyang tumango saka yumuko na parang nahihiya. Siguro nakokonsesiya na siya dahil hindi siya agad naniwala sa akin. Pero okay, forgiven na agad kahit hindi pa nag-so-sorry. Marupok ako eh.
"Y-Yes. 99.9 % match." Sagot niya. "But.." napatingin ako sa kaniya ulit ng may dinagdag pa siya. Hindi ako nagsalita at hinintay lang ang sasabihin niya. "I'm still confused. I still can't remember everything. I-I still can't remember y-you. But the results comes out positive so I want to say sorry for not believing you." Kung kanina pinipigilan ko ang ngumiti, ngayon hindi na. Napangiti na ako ng tuluyan sa sinabi niya. Pero hindi niya naman ako kita dahil nakayuko pa rin siya. 'Yung dalawang kamay niya pa ay nakapatong sa mga hita niya.
"It's okay." Hindi naman kita masisisi kung madali akong kalimutan. Gusto ko sanang idagdag pero sige 'wag na. Ayokong magdrama ngayon.
Napaangat siya ng tingin at sinalubong na ang mga tingin ko. He smiled at me. At muntik na akong malaglag sa upuan ko nang makita na lumabas ang dimple niya. Shit. Ang gwapo niya lalo sa part na 'to! Tukso! Tukso! Layuan mo ako!
"Thank you." He genuinely said. Doon ako nagising sa pagkakatititig sa kaniya. Buti na lang at slow ang lalaking 'to kaya hindi niya ako nahalata!
Umiwas na lang ako ng tingin. Oh kita mo? Nabaligtad na kami? Kanina siya ang hindi makatingin sa mga mata ko ngayon naman ako na. Walangya. Eh kasi naman! Yung smile niya, yung mata niya, yung dimple niya! Everything about him is enough for me to feel shy. Maganda na rin na umiwas ako ng tingin dahil masyado siyang maganda sa paningin ko. Mahirap na, marupok pa naman ako. #NoToMarupokSuho
"Ahm, anyways, where's ahm..."
"Myeonie?" Sinundan ko na agad ang sasabihin niya. Mukha kasing hindi niya maaalala ang pangalan ng anak na'min eh. So I must conclude na makakalimutin din ang isang 'to. Okay, 'wag ka ulit maiinis Suho.
"Y-Yes." Nahihiyang sagot niya. Tumango naman ako.
"He's in school." Simpleng sagot ko.
"O-Okay. How old is he?" Muntik na naman akong mapangiti. Unti-unti niya ng kinikilala ang anak ko so I must say na unti-unti niya na ring natatanggap na may anak na talaga siya.
"5. Actually, kaka-birthday niya lang last week." Sagot ko. Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko dahil nanlaki medyo ang mga mata niya.
"Really?" Tumango ako. "I-I'm late..." Parang nalungkot na sambit niya. Nalungkot din agad ako ng maalala ang anak ko. Gustong-gusto niya talaga makita ang Daddy niya 'nung birthday niya. Pero walang dumating noon.
Tumikhim na lang ako.
"So..anong balak mo ngayon na naniniwala ka na sa akin? Anong plano mo kay Myeonie?" I decided na ibahin na lang ang topic. Ayokong malungkot ngayon. Dapat happy lang. Remember may daddy na ang baby Myeonie mo Suho? So happy ka lang dapat today!
Napaangat ng tingin si Lay sa akin. Inintay ko naman ang sasabihin niya.
"Balak ko sana..." Pag-uumpisa niya.
"Balak ko sana na sa mansion na kayo tumira." And that, nanlaki ng sobra ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
OTP SERIES #2: YIXING / hiatus
FanfictionYixing is as pure as white porcelain. Super innocent. Super clean. He knows to himself that he doesn't have any experience to sex pero bakit isang araw bigla na lang may kumatok sa pinto niya at bumungad sa kaniya ang isang lalaki na may hawak na ap...