9

36 9 0
                                    

Suho's POINT OF VIEW

He was wearing a simple black shirt and shorts. Medyo gulo ang buhok niya dahil siguro sa pagkakahiga. Pero bes, bes, bes! Ang gwapo niya! Yung facial features niya super perfect! Parang kahit yung mga katiting na germs matatakot lumapit sa mukha niya. Bumaba ang tingin ko sa biceps niya. Shit. Ang laki. Pereng geste ke teley heweken. Tanga! Maharot ka Suho ha! Ibababa ko na sana 'yung tingin ko papunta kay, you know, kay Lay Zhang junior. Mag-h-hi lang naman ako. Alam mo na, nice to meet you again. Hihihihi. Kaso nagsalita na siya.

"Hey I'm asking you. Who are you? Bakit hanap mo ako?" Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Siya naman ay nangungunot ang noo habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa anak ko.

Na anak niya rin pala.

I cleared my throat. Pinapakalma ko muna sarili ko dahil umiinit na naman ang ulo ko. Seriously? Ang mukhang 'to? Ang mukhang 'to makakalimutan niya?! Walang nakakalimot sa gwapong mukha na 'to! Pero sige, kalmado muna ako ngayon, kaya ko 'to.

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Kalmadong tanong ko. Nangunot naman ang noo niya at parang iniisip na hello who are you? I forced a smile. Kalma ka lang Suho. Kailangan maganda ang magiging pagkikita niyo after almost 5 years.

Umiling naman siya. "Ah...hindi eh. Baka po namali lang kayo?" Nyeta. Doon na uminit ulo ko. Nawala agad ang ngiti sa mukha ko at napalitan ng masamang tingin. Pinapainit talaga ang ulo ko! Ang pasensiya ko pa naman ay maikli lang. Hindi dapat sinasagad ng kahit na sino.

Mukhang nagulat naman siya sa pagbabago ko ng mood. Binitawan ko ang kamay ni Myeonie saka nilapitan si Lay. Nanlaki ang mata niya pero hindi siya umalis sa pwesto niya. Samantalang ako umangat pa ang tingin ko dahil matangkad si Lay sa'kin eh. Hirap naman maging pandak!

"Hindi. Mo. Ba. Talaga. Ako. Naaalala.?" May diin sa bawat bigkas ko ng salita. Napalunok naman siya. Dapat lang, matakot ka. Isang malaking pagkakamali na makalimutan mo ang isang Kim Junmyeon, na pinababa sa lupa para magkalat ng kagwapuhan. (#medjo mahangin talaga siya)

Umiling-iling ito na parang bata. Cute. Ay hindi! Galit ako! Galit! Hindi pwedeng masaniban ako ng karupukan at kaharutan ngayon dahil galit ako! Sobra! Pero ang cute niya talaga eh! Sige na nga. Pero galit pa rin ako!

"I can't believe!" [A/N: naalala ko line ni Chen sa Tempo haha]

Sigaw ko right through his face. Napalunok na naman siya. Nakaka-frustrate na ha! Bakit niya ako nakalimutan? Nakakainis!

"H-hindi talaga kita k-kilala eh. S-sorry." Hinging paumanhin niya kaya medyo kumalma na ako. Mukhang natakot ko ata siya. Hindi maganda 'yan Suho. Dapat magandang example ka sa tatay ng anak mo.

Nakahingi naman siya ng maluwag sa pag-urong ko. Duh, bakit ba siya takot sa akin? Eh mukha naman akong angel.

Binalingan ko ng tingin si Myeonie na nakamasid lang sa aming dalawa. Parang enjoy na enjoy pa itong nakikita kami. Dapat 'yan nak, dahil mukhang mapapadalas na ang mga araw na makikita mo kaming magkasama ng tatay mo. Hihi keleg eke. Tanga ikalma mo ang utong mo Suho. Huwag mong ipahalata na maharot ka.

"Hindi ko alam kung nagka-amnesia ko o ano kaya mo ako nakalimutan." Pag-uumpisa ko. Huminga muna ako ng malalim para ikalma ang sarili ko na 'wag agad agad mainis. "Pero sige, magpapakilala na lang ako, para sa'yo." Diniin ko talaga 'yung last two words ng sinabi ko para maramdaman niya na maling-mali talaga na makalimutan ang isang Kim Junmyeon.

Inabot ko ang kamay ko sa kaniya.

"Kim Junmyeon nga pala. Suho na lang." Pagpapakilala ko sa kaniya. Tinitigan niya ang kamay ko at parang pinag-iisipan pa kung tatanggapin niya pero pinandilatan ko siya ng mata kaya wala siyang nagawa kundi kunin ang kamay ko. Infairness, ang lambot ng kamay niya. Na-i-insecure na tuloy ang fair and milky white skin ko.

"A-ah Lay Zhang." Pagpapakilala niya na lang rin. Tumango na lang ako dahil duh, kilala ko na siya no. Bumaling naman ang tingin ko kay Myeonie kaya doon din napunta ang tingin ni Lay.

"And he's Myeonie." Akmang lalapitan niya si Myeonie para batiin ito pero agad siyang napatigil sa idinagdag ko.






"Our son."

OTP SERIES #2: YIXING / hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon