3

50 9 0
                                    


"Okay na ba lahat? Naihanda mo na ba?" Tanong ni Suho kay Grace. Tumango naman si Grace.

"Yes po! Ayos na din po ang gamit ni Myeonie!" Masiglang sagot ni Grace.

Aligaga sila ngayong araw. Paano, ito na ang araw na babalik na sila ng Korea. After almost 4 years ay makababalik na rin sila sa Korea. Suho's hometown.

Kabado si Suho pero hindi rin maitatago ang saya sa mukha niya. Ang hirap malayo sa taong malalapit sa'yo. Ang hirap malayo sa mga kaibigan mo. Kaya ngayon na uuwi na si Suho ay na-e-excite siya ng sobra.

"Papa!"

Napatingin si Suho sa anak na tumatakbo pababa ng hagdan. Napangiti si Suho. Agad niyang sinalubong ng mainit na yakap ang anak.

"What is it, my baby Myeonie huh?" Binuhat niya ang anak at pinisil ang mataba nitong pisngi.

"I'm excited to see Korea papa!" Excited na sabi ng anak niya.

"Malapit na baby. Makikita mo na ang Korea." Paninigurado niya sa anak.

Ibinaba niya si Myeonie para ihanda na ang mga maleta niya. Handa na siyang iwan ang America para simulan ang panibagong buhay niya sa South Korea. Hindi man naging maganda ang pag-alis niya sa bansang iyon, sisiguraduhin niya na magiging maganda na ang pag-stay niya doon. For good.

Tiningnan niya si Grace na nakahanda na rin ang mga maleta. Yes, isasama niya si Grace pagbalik sa Korea and pati na rin ang nanay nito. Why not? Grace is already Suho's family. Kaya dapat lang na kasama ito sa kanila.

Nang matapos na sila sa paghahanda ay chineck ni Suho kung anong oras ba sila dapat na umalis ng bansa. Meron pa silang halos limang oras. Tamang-tama lang sa byahe.

Huminga ng malalim si Suho.

"Let's go."

OTP SERIES #2: YIXING / hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon