34

18 4 0
                                    

Hi! This past few days napakadaming nangyari sa buhay ko kaya di rin ako makapag-update. Pero thank you pa rin sa mga nag-iintay ng update ko dito. Labyu all.

•••

Suho's POV

Agad na ibinaba ko sa kama si Myeonie nang makapasok kami sa kwarto. We're finally here. Sa mansion. After that 3 days ng camping ay nakauwi na din kami. Well, aminin ko nag-enjoy ako. Gan'on pala ang feeling ng mag-camping. How I wish I could turn back time to my 7 year old self, hays.

Nag-unat ako at bahagyang hinilot ang balikat dahil sa ngalay sa pagbuhat kay Myeonie. Paano ba naman, pauwi pa lang kami ay nagpabuhat na ang bata dahil antok na daw siya. Si Lay naman ang nagbuhat lahat ng gamit namin kaya quits lang. Ayan tuloy, nangalay itong braso ko.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba papuntang sala. Doon ko naabutan si Jongdae na naglilinis.

Papalapit pa lang ako ay napansin niya na ako.

"Junmyeon!" masiglang bati niya sa akin. Ginantihan ko naman ito ng isang tipid na ngiti.

Umupo ako sa stool bar. Agad namang lumapit si Dae sa'kin at umupo sa harap ko.

"Kamusta?" Tanong niya.

Nangalumbaba ako. "Okay lang."

"Weh? Walang ibang nangyari? Tatlong araw din 'yun."

Kulit.

Tiningnan ko si Jongdae saka bumalik muli sa pagkakalumbaba.

I sighed. "Actually meron."

"Ano?"

After what happened that day, bigla na lang akong iniwasan ni Lay. Not literally iniwasan, pero alam ko na lumalayo siya sa'kin. He is distant with me. At alam ko na likas na siyang hindi nagsasalita sa akin pero parang mas lalo ata itong lumala after that day. Ewan ko. Ang gulo niya. Sobrang gulo niya. Okay naman kami nung gabi diba? Akala ko magiging casual kami after that day. Pero bakit naging ganito?

"I confessed," pag-amin ko.

Bahagyang nanlaki ang mata ni Chen, lalo siyang lumapit sa akin.

"For real? E, anong sabi ni sir Lay?"

I sighed again for the nth time. "I don't know. Wala siyang sinabi. Pero after that day, he became distant with me," I paused for a second. "I expected it. Alam ko naman na una pa lang wala na talaga, pero I don't know why do I feel this. It's just—ugh! I can't even explain it!"

I am frustated. For real. I can't even find the right words to say. I saw Chen sighed then he pat my shoulder.

"I understand," he said.

I don't know how many times I sighed, pero patuloy pa ko pa rin itong ginagawa. For now, I think sigh-ing is the best thing to do.

Ilang minuto pang nanatili si Jongdae sa tabi ko hangga't sa mamaalam na siya dahil may gagawin pa daw siya. Kaya ngayon, mag-isa na naman ako dito sa buong sala.

Pumangalumbaba muli ako. Pakiramdam ko, mas napagod ako sa pag-iisip kaysa sa byahe at sa mismong camping. Kung alam ko lang na ganto pala pag inlove edi sana una pa lang hindi ko na hinayaan pa na mahulog.

Funny though, alam ko naman na 'di ko rin mapipigilan 'yon. Sinong niloko ko?

"Yes I'm fine, don't worry about me."

Agad akong tumalima nang marinig ang isang pamilyar na boses sa bandang likuran ko. Nanlaki ang mata ko ngunit hindi ako lumingon. Naknam. Why do I need to see him? E, tanga rin ako. Malamang makikita ko siya dito. Hello, earth to Suho! You guys are literally livin' in the same house!

"Yes, hindi ko nakakalimutan. Please stop worrying about me, I'm really fine. Worry about yourself, Joy."

Hindi ko na maiwasang lumingon sa kaniya nang malaman ko kung sino ang kausap niya sa telepono. Joy na naman. Mahinang bulong ko.

Is that how you treat your "childhood friend"? Daig niyo pa ang mag-jowa kung makapag-usap. Isa pa, why do Lay need to talk that soft to her? Everytime they are talking to each other, feeling nila silang dalawa lang ang nasa buong mundo.

Ugh.

It sucks.

Alam kong nagseselos ako pero nakakainis lang na hindi ko pwedeng ipakita dahil sino ba naman ako sa buhay ni Lay? Ako lang naman si Suho. Nothing more. Nothing less.

Pinagmasdan ko ang pigura ni Lay na naglalakad papalapit sa akin. I thought he's going near here, pero nang makarating siya malapit sa pwesto ko ay dumeretso siya sa paglakad.

Disappoint was seen all over my face.

He pass through me.

I can't help but to smile bitterly.

He didn't even look at me. Or what. I sighed. What do I expect? Do you think after that fucking confession, we can still back to normal? Ano ka Suho, nasirain ng bait?

Saka lang ako nagising sa iniisip ko nang marinig na tumunog ang cellphone ko. Someone's calling me. And the moment I saw who, mas lalo akong nawalan ng mood.

Wow. How unlucky of me.

•••

a/n: please stream 'rose' by d.o!

OTP SERIES #2: YIXING / hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon