Chapter 7:
Kimmy POV
Magkakalapit lang kami ng bahay ng tatlo. Pwede lang lakarin. Kasi naman magkakatabi lang kami ng bahay. Ay ano ba, ang gulo ko na. Di bale, ma iba tayo. Sabado ngayon at tinawagan ako kagabi ni mommy kasi raw may importante siyang sasabihin. Pupunta ako sa office niya ngayon para malaman kung ano ang pakay niya.
Lumabas na ako ng bahay at pumunta na sa sasakyan ko. Mabuti nalang at agad na napaayos to. Hahanapin ko pa kasi yung taong sumira ng sasakyan ko.
Bumyahe na ako at di naman kalayuan ang building nila mommy. 20 minutes lang kung may sasakyan ka.
Pinark ko na ang sasakyan ko at bumaba na. Pumasok na ako sa building at dumiretso sa elevator. Hanggang sa umabot ako n 3rd floor at ditto ang office ni mommy.
"Mommy, nandito na ak - - ikaw?!" agad akong napatingin sa lalaking kausap ni mommy
" Anong ginagawa mo ditto?" tanong ko kay Steve na kasalukuyang naka ngiti sa akin
"Anak, hindi na ako mahihirapan nito. You already knew each other. Hmm, ganito nalang, Steve. Tell her the thing that she needs to know at may meeting pa akong pupuntahan okay?" dumaan si mommy sa akin at binigyan ako ng kiss sa cheeks pero ako hindi parin maka galaw sa kinatatayuan ko at pilit na iniisip kung paano sila nagkakilala ng mom ko.
" Stalker ba kita?" prangkang tanong k okay Steve at ngumiti siya sabay lapit sa akin. Dahan dahan siyang lumapit at ako naman dahan dahang napapa atras hanggang sa dingding na ang nasa likod ko. Napakalapit niya at nakaka ilang iyon ng bigla siyang may sinabi sa akin na nagpakawala ng kaluluwa ko.
"We're already engange"
**
"Hoy, Steve. Umayos ka nga." Galit na sabi ko sa taong kaharap ko ngayon. Kasi naman, nasuntok ko siya kanina. Sana nga lang hindi siya ma black eye sa suntok ko at parang malakas pa naman yon. aish. Kasi naman eh, nagulat kaya ako, malamang yon ang nagawa ko.
"Nakakatakot naman pag ikasal ako sayo. Parang araw-araw yata ako mabubugbog" mahinahon niyang sabi. Nangongonsensya ba siya?!
Teka, nasa Minnie Café nga pala kami. Magpapalamig muna ako ng ulo kasi na stress ako sa mga nangyayari na sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Gangsters Squad
Novela JuvenilAre you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.
