Their rooms in the rest house. that's the style ng mga rooms nila kasama ung ka room mates nila.
------------------------
Mervin POV
Naglalaro ako ng phone ko sa living room ng napansin kong may tumabi sa akin, ng makita ko kung sino, napangiti naman ako.
"sa wakas aamin ka na rin" sabi ko kay Yshi pero tiningnan niya ako ng masama
"anong aamin?"
"aamin ka na na crush mo ako" halatang pikon na siya sa sinabi ko kaya naman nginitian ko siya.
"joke lang. seryoso mo naman" at kinurot ko yung pisngi niya.
"ew, wag mo nga akong ma hawakan" at tinapik niya yung kamay ko.
"actually, I'm here to tell you na kaylangan na nating maglinis sa poolside. Tayo ang assign doon."
"anong lilinisin don? Yung pool? Papalitan mo yung tubig?" pilosopong sabi ko sa kaniya pero binatukan niya ako.
"umayos ka nga! Poolside nga eh, ibig sabihin, gilid ng pool. Hindi yung pool" at naglakad na siya papunta ron. Nakakatawa talaga tong si Yshi. Minsan kasi stress na stress siya sa lovelife niya kay Kervin kaya nag eemote, minsan naman, may topak ang babaeng to.
"ganiyan siguro talaga yung mga babae, moody" sabi ko na lamang sa sarili ko at nagtungo sa poolside.
Nang makapunta na ako don, nadatnan ko siyang nagpupulot ng mga dahon sa gilid2 ng pool, may mga puno kasi dito kaya yung ibang dahon nahuhulog. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya.
"Yshi?"
"ano?!"
"tsk, ano ba naman yan, pwede ba kahit ngayon lang, mag usap tayo ng matino na hindi ka nagagalit dyan?" matapos ko yon sabihin ay halatang huminahon siya at naintindihan niya yung sinabi ko.
"Can we be friends?" I said at tiningnan siya. Mata sa mata. Halatang nagdadalawang isip o ano, pero ngumiti siya sa akin.
"Basta ba hindi mo ako aawayin" she said then I smirked,
BINABASA MO ANG
Gangsters Squad
Teen FictionAre you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.