Chapter 30 "WattaPenD?"

42.7K 935 36
                                    

Chapter 30:

si Kimmy po yung nasa picture..


Steve POV


Matapos ng klase ay tinext ko si Kimmy



**

To: Kimmy

Babae, susunduin kita. Wag ng makulit. Papunta na ako

**



"Saan ka pupunta?" pagtatanong ni Mervin kay Kirk na halatang nagmamadali



"boutique" yun lamang ang sinabi niya at umalis na



" eh ikaw Charles?" – Mervin



" susunduin ko si Ria, mag rereview kami ngayon. Sa Friday na yung Quiz Bee" sagot naman niya at umalis na din



" tara, gimik nalang tayo Steve"



" Susunduin ko rin si Kim ngayon eh, pass muna ako"



" aba't nang-iiwan ata kayo ngayon ah? Mga gago to, Ganyan ba talaga basta babae na? iniiwan niyo na kaibigan niyo?" natawa naman ako kay Mervin




" maghanap kana kasi ng babae mo" tukso ko naman at tumawa siya



" di na kaylangan, sila naman kasi maghahanap sakin eh"



Matapos niyang sabihin yun ay agad na akong pumunta sa sasakyan at nag drive papunta sa school nila Kimmy, hindi naman masyado malayo. 10 minutes away lang sa school namin. Ng papasok na ako sa main gate, pansin ko na ang daming estudyante ang nagkukumpulan.



Nga pala, first time kong napunta ditto sa school nila. Si Charles naman, anytime yon kung gusto. Sila naman nag mamay-ari nito. Pero ako, ngayon pa lang. Ngayon pa lang nakapasok na may mga estudyante at ang rami pa.



Maya-maya pa ay may lumabas na sasakyan at alam kong kay Charles yun. Tama, sinundo nga pala niya yung girlfriend niya. kaya siguro ang daming estudyante na nagkukumpulan kasi meron si Charles. Pumasok na ako sa gate at halata naman ang titig ng mga estudyante sa sasakyan ko, di naman kasi makikita kung sino ang nasa loob kasi dark tinted to.

Gangsters SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon