Ria and Charles Above..
Ria POV
Matapos naming maligo kanina sa beach ay bumalik na kami sa rest house na basing basa yung damit kasi sinuot naman naming pabalik yung damit naming, alangan naman mag two piece kaming pupunta sa rest house edi makikita kami ng mga hayop na lalaki doon. Nako, wag na po.
Nga pala, Kung minamalas nga naman, binunot ulit yung mga magiging room mates namin for two weeks.
Yshi and Kimmy – Partners
Mervin and Steve – Partners
Lyana nd Kirk – Partners
Ria and Charles – Partners
Asan naba ang hustisya? Sa lahat ba naman ng magiging ka room mate ko ay si Charles pa? Langya!
"uyy, Lyan, tabi nalang tayo. Pwede naman siguro na tayo nalang magkasama sa room" pagmamaka-awa k okay Lyan at niyugyog yung kamay niya.
"oo nga! Manager Han! Sige na please?! Kami nalang ni Ria yung partners!" sabi naman niya kay Manager.
"hmm, girls. That's my rule. Mas maigi ng ganito para naman makabonding niyo yung isa't isa. Remember, KyooB Perfection kayo. This is a training para sa inyo, para pag labas niyo sa media. Wala ng problema, kasi I know that 2 weeks is already enough for the eight of you to know each other." – manager han
"manager! Mahirap pag kasama ko si Charles sa room! Meron ako ngayon! Paano nalang kung matagusan ako? nakakahiya naman sa kaniya" palusot na sabi ko kahit na wala naman talaga ako ngayon. Whoo~ sana maniwala ka manager!
"meron ka pala ngayon Ry? Diba katatapos mo lang last week?" ay putakte ng puto ng papayas. Napalingon ako sa nagsalita at – Yshi! Langhiya to! Tiningnan ko siya ng masama at doon pa niya nagets yung ibig kong sabihin. Naman eh!
"Nako Ria, wag ka ng magsinungaling. Hindi na mababago ang isip ko." Umalis na sa harap namin si manager han.
"paano na yan?!" malungkot na sabi ni Lyan sa akin at nagkaharap kami. "lagot na, pag minamalas nga naman talaga oh."
"okay lang yan!" masayang sabi ng babaeng nasa gilid ko na si Yshi, "walang hiya ka Yshi, bakit mo sinabi yon kaninaaaa!"

BINABASA MO ANG
Gangsters Squad
Ficção AdolescenteAre you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.