Chapter 38 "

37.1K 795 47
                                        

Kimmy's Picture!

Kimmy POV


Nandito ako sa bahay at naghihintay na dumating yung sundo ko. Susunduin daw kasi kami ng van ng company. Iba iba naman kami ng van kaya alam kong magkakasya yung mga gamit ko sa loob nito.


Bigla kong naalala si Steve. Hindi na ako nagpaparamdam sa kaniya at di rin naman siya nagpaparamdam sa akin, kaya para saan pa? It's just a nightmare. I mean, He's just a nightmare.


Tiningnan ko yung phone ko at sakaling may nag text man lang o notif sa twitter ko or facebook. Pero, nuh-uh wala eh. Hmm, aaminin kong na mimiss ko yung pangungulit ni Steve, pero alam ko namang imposible na magkagusto siya sa akin. Huling nakita ko siya nung nasa mall at kasama si Viera na malandi. Kung doon siya masaya, edi doon siya. I don't care about them!


*peep* *peep*



At sa wakas, dumating na rin. Pumasok na agad ako sa loob ng van at hinayaan na lamang silang mag pasok ng mga gamit ko.



" I'll miss my house" malungkot na sabi ko sa sarili habang tinitingnan ang bahay ko.



" babalik din ako, promise" tanga. Ba't ba ang gaga ko. Kinakausap ko yung bahay na hindi naman yan nag sasalita. Tanga lang Kim, dahil nga saw ala akong magawa eh nilagay ko na lamang ang earphones sa tenga ko at nag hanap ng magandan music.



Habang nasa byahe ay napapatingin ako sa labas ng bintana, maya2 pa ay huminto na ang van.



" Ms. Fortez, We're already here" sabi nung manong na nasa harapan. Tumango lang ako at bumaba na ng van.



Malaki yung bahay, yung talagang malaking malaki talaga. Parang, ayoko sa ganito. Ang garbo tingnan.



"Uhm – I'm not going inside. Ihatid niyo nalang ako sa pinakamalapit na condo ditto, ayoko tumira dyan" sabi ko sa papasok na sana ako sa loob ng van ng



" Ms. Kimmy, utos po ng daddy niyo na ditto kayo titira. Sa gusto niyo man o hindi" sabi nung babae.



" No, I'm not going to live in that house" pagpipilit ko sa kaniya



" Ms. Kimmy, kung hindi ka madadala sa matinong usapan ay mapipilitan kaming gawin ang hindi mo ikagugusto."



Ito na naman, hay. Nakaka inis pag ganito. Walang freedom. " okay fine. Papasok na" pumasok na ako sa loob.



Nang nakapasok ako sa bahay ay sasalubungin ka ng napakalaking Living Room nila at puno ng napakagagandang palamuti. May stairs paakyat sa second floor.



" Ms. Kimmy, I want to formally introduce myself to you. I'm Manager Han. Ang Official manager ng KyooB Perfection." Sabi niya at nag bow sa harapan ko.



Tiningnan ko lang siya ng masama. Ang arte naman, may manager2 pa. gaano ba talaga ka espesyal ang grupo na KyooB Perfection para ganito sila mag prepare.



" Were's my room. Pagod ako at gusto kong magpahinga"



" second floor Ms. Kimmy, your name initials are found in the door of your room. KF po na room" inirapan ko nalang yung manager kuno naming. Kung titingnan mo, nasa age 35-40 na si Manager Han. Pinagtataka ko nga kung may anak ba siya o asawa. Halatang maganda kasi siya kahit medyo may edad na.



Agad akong nagtungo sa 2nd floor at hinanap ang room ko, pag abot ng second floor ay makikita mo yung mga rooms na naghaharapan lang, walong room lahat meron, lahat ng rooms may initials. Pero, the hell I care?



Pumasok na ako sa kwarto ko at tiningnan ko yung palibot, malaki naman siya. Maganda at color black and white yung loob. Pansin ko rin na pati yung bahay ay motif color ang black and white. Ang linis tingnan at napaka desente.



Tiningnan ko yung cr, walk-in-closet, mini sofa, at and bed ko. Hmm, not bad. Matapos kong I check ang nasa palibot ay in-on ko ang aircon at humiga na agad sa kama. Pagod nga talaga ako, kaya di naglaon ay nakatulog na rin ako.

Gangsters SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon