Chapter 4 " Introduce Yourself "

74.4K 1.6K 55
                                        


Chapter 4:


Steve POV


Maya-maya pa ay napag-isipan kong umuwi na lang ako sa bahay. Nang makarating na ako ay dumiretso ako sa kusina upang tingnan kung ano ang masarap na kainin ng maabutan ko si Charles na nasa lamesa at kumakain ng sandwich.



" Alis ka na, di mo bahay to." Pagtataboy ko sa kanya. Sino ba namang matinong tao ang papasok sa bahay ko ng walang permiso?



"Sino ba naman kasing umalis at iniwan na nakabukas ang pinto? Steve, di ko kasalanan yon. dapat magpasalamat ka at ako lang ang pumasok sa bahay mo at binantayan ko ito." Si Charles Alonzo. Siya yung pinakamatalino sa squad. Siya palaging top 1 sa klase. Kalapit lang kami ng bahay. Sa tapat ng bahay ko siya nakatira. Sina Mervin at Kirk naman medyo malayo, Pero iisang subdivision lang kami nakatira.



"Binantayan mo nga pero inubos mo naman ang pagkain ko sa ref. gago, parang ninakawan parin ako sa ginagawa mong iyan"



" kesa naman ibang tao ang makinabang sa pagkain mo. Magpasalamat ka at kinain ko yung pagkain mo sa ref kahit na expired na karamihan don" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya, paano naging expired?



"nag grocery ako kahapon Charles kaya alam kong di expired ang mga pagkain ko sa ref."



"di bale, umalis kana nga." Pagtataboy ko sa kaniya kasi nagsasawa na akong palaging nakikita mukha niya.



"punta ka sa Area?" tanong niya sa akin pero hindi ko sinagot



" sana nga tuluyan kanang maputulan ng dila. Hahaha" sigaw niya sa akin at lumayas na ng bahay ko. Nakakabanas, wala na akong pagkain sa ref.



Sakit sa ulo naman tong mga kaibigan ko. Sarap ipakain sa buwaya.



**



Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Tiningnan ko yun at umaga nanaman. Bumangon na ako at naghanda para pumunta na sa school. Kinuha ko ang susi ko at bumaba na. Nang nasa sasakyan na ako, napag isipan kong bumili nalang ng drive thru kasi wala akong breakfast. Naaalala ko nanaman yung pagnanakaw ni Charles sa mga pagkain ko.



Nagdrive na ako dumaan muna sa pinakamalapit na drive thru dito, May nakita akong Jollibee kaya doon nalang ako bumili, pancake at coffee lang binili ko para madali lang at baka ma late na ako. Papunta na ako ng school ng may biglang mag overtake na sasakyan sa akin at mutikan na talagang mabangga. Mabuti nalang at natapakan ko agad ang break. Gago, tiningnan ko ang plate number ng sasakyan. "KF" lang ang nakalagay at tingin ko personalized 'to. Hahanapin ko ang driver nun at pagagalitan ko pa. nakakasira ng araw!



Nang nasa school na ko, hindi muna ako bumaba at kinain na muna ang breakfast na binili ko.



Maaga pa pala kaya napag isipan kong lumabas na sa sasakyan at pumunta na lamang sa room. Nang maka abot na ako doon ay konti pa lang ang meron at wala pa rin sila Mervin.



Tumunog na ang bell at ito ang hudyat na time na. Pero tanging si Charles lang ang pumasok. Nako, top 1 sa klase to at mag aabsent? Imposible yan. Ni isang absent ay wala pa yang si Charles.



"Sa apat, ikaw pa ang pumasok. Sana nagpahinga ka nalang."



" bakit naman ako magpapahinga?" tanong ko sa kaniya. Magkatabi kasi kami ng upuan



"tama, hindi ka pala pumuntang Area kagabi. "



Ah oh, nagets ko na. nag Area sila kaya ayan, pagod. Tiningnan ko lang si Charles na papikit pikit mata habang nag lelesson ang teacher.



"Mamaya nalang ako pupunta sa Area. Tinamad ako kagabi" sabi ko sa kanya at tumango lang siya.




Gangsters SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon