Chapter 10 "GyM"

56.6K 1.3K 118
                                    

Chapter 10:



Charles POV


Umuwi na kami matapos ang laban sa Area. For the first time. Talo kami. Sino ba naman ang hindi matatalo na puro iwas lang ginagawa nila Mervin at Steve. Mga babae raw eh kaya ayaw patulan, kaya naman pinagbigyan nila at kami na rin.



Dahil wala akong magawa sa bahay ay dumayo nanaman ako kay Steve. Magkaharap lang kaya bahay naming kaya nilakad ko nalang.



Pagpasok ko ng bahay ay agad ako nagtungo sa kitchen niya at tiningnan agad yung ref.



"Ano ba naman 'to. Walang laman"



" Sino ka? "



napalingon ako sa boses babae na nagsalita sa likod ko at tiningnan ko siya ng maigi. Parang nakita ko na tong babaeng to.



" oo, tama ang iniisip mo. Isa ako sa nakalaban niyo kahapon" sabi niya at umalis sa harapan ko. Ah tama, doon ko siya nakita.



" Steve! Ano ba. Ang tagal mo naman!" sigaw niya



" . . . . . "



Wala talagang pinagbago tong si Steve. Maski babae, hindi sumasagot pag tinatanong.



" Pag pasensyahan mo ng yang kaibigan ko. Talagang hindi yan nasasalita pag tinatanong minsan."



Tiningnan niya lang ako at lumabas ng bahay. Ayon, bagay na bagay sila ni Steve kasi hindi din nagsasalita. Bwiset.



Lumabas din ako ng bahay ni Steve kasi walang magandang gawin doon pagkat walang pagkain. Oo, matakaw akong kumain pero hindi nawawala ang 6 pax abs ko at muscle. Alam ko in na insecure sina Mervin, Kirk at Steve pagkat kailangan pa nilang mag gym para ma maintain ang muscle nila.



" Ka ano-ano ka ni Steve at napasok ka sa bahay niya?" tanong nung babae na mukhang masungit pero maganda.



" kaibigan" tipid kong sagot at umalis na. Ang sama makatingin nung babae eh. Wala naman akong ginagawa.



Nagbihis ako at planong pumunta sa Bookstore. Maghahanap ako ng magandang basahin na aklat.

Gangsters SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon