Yshi POV
Yshi and Mervin above!
" sandali lang Lyan, naiwan ko ata yung phone ko sa van, titingnan ko muna" iniwan ko muna si Lyan. Habang naglalakad ako ay napapatingin naman ako sa paligid. Ang laki talaga ng bahay, parang mansion naman, hmm, sabagay marami naman kaming titira ditto kaya di pwedeng maliit lang.
Nagtungo na ako sa van at " ayun! " nakita ko na yung phone ko. " ikaw na cellphone, wag kang pumunta saan saan o wag ka rin magpapa iwan, at kung mawala ka? Ako nanaman ang mapeperwisyo nyan? Nako~"
" may topak ka ba?" napalingon ako sa taong nagsalita, "excuse me?" napahinto ako kasi hindi ko inaakala at ine expect na ang lalaking to ang makikita ko.
"nagsasalita ka mag-isa. Yan ba ang turo ng boyfriend mo sayo?" sabi ni Mervin na nakatayo at nakapamulsa papalit sa akin.
"at bakit naman nasali ang boyfriend ko sa usapan?" hirap ko siya. Okay n asana eh pero nangingi-alam siya sa buhay ko.
"sa boyfriend mong, hindi ka naman sineseryoso"
*pak* - at nasampal ko siya sa inis ko
"wala kang paki-alam dahil buhay ko to, at isa pa, wag kang naninira ng relasyon ng iba. Back off Mervin!" matapos ng sinabi ko ay pumasok na agad ako sa loob ng bahay.
Sinasabihan na ako nina Kimmy na itigil na ang relasyon kay Kervin, pati si Mervin nakiki-sawsaw sa eksena. Naguguluhan na ako, pero diba follow your heart? Eh mahal ko si Kervin, Mahal na mahal ko siya.
"iba ang mahal sa nagpapakatanga Yshi, maganda ka at hindi mo dapat sinasayang lahat sa maling tao, dahil sa huli. Ikaw lang ang masasaktan." Lumingon ako sa likod at nakita ko si Mervin na naglakad papalabas ng bahay.
Wait, why is he here? Anong ginagawa niya ditto? Paano niya nalaman na ditto kami titira?
"Oh Yshi, nandyan kana pala." Papalapit si Lyan sa akin at may dala dala pa siyang pagkain.
"uhm, wala. Naka-away ko lang si Mervin." Pag amin ko sa kaniya. Pumunta ako sa kitchen at sumunod naman si Lyan, binuksan ko yung ref at nakakita ako ng wine.
"bakit ka iinom?" tanong ni Lyan sa akin habang siya nakaupo sa counter at kumakain nung Nova.
"titikman ko lang, di naman to nakakalasing" at binuhos ko na yung wine sa baso
"titikman raw eh halos mapuno na yang baso, tikim pa rin ba yan?" tumahimik ako at ininom yung wine.
Napangiwi naman ako sa lasa, ugsh, ang tapang naman nito.
"oh, tikman mo pa, inubos mo kaya ang isang baso" bumaba si Lyan sa counter at lumapit sa akin habang hawak ang Bottle ng wine at baso.
"nag-away kayo ni Mervin, nakita ko yun Yshi, pero para sa akin, may point si Mervin, wag palaging ditto" sabi niya sabay turo sa dibdib niya. "gamitin mo rin to" at tinuro niya ang ulo niya. ibig sabihin, wag palaging puso, at gamitin ko rin ang isip ko.
"alam kong mahihirapan ka, kasi mahal mo yung tao..... pero Yshi, walang magandang maidudulot yan sayo" tinapik niya ako sa balikat at iniwan ako sa kitchen.
Ugsh nakakainis! Ano ba! Hindi ko na alam ang gagawin ko
BINABASA MO ANG
Gangsters Squad
Teen FictionAre you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.
