Say Hi to our lovely girls.
Kimmy - Ria - Yshi - Lyan
---------------------------------------------------------------------------------------
Tatayo na sana kami ng may biglang lumapit sa amin na cute na batang lalaki.
" Ate Kimmy, ate Kimmy may nagpapabigay po sa iyo. " sabi ng cute na bata at umalis rin agad na tumatakbo pa.
" ano yan Kim? Patingin kami!" sabi ko at pilit na kinukuha yung card na binigay ng bata sa kaniya.
" Hoy Yshi, matapos mo akon awayin kanina, titingin-tingin ka sa card na para sa akin? Ew. No way!" sabi naman niya at inirapan ako
" Ang oa naman ng babaeng to." Mahinang sabi ko ngunit para napalakas ata kasi tiningnan niya ulit ako ng masama. Nag peace sign lang ako sa kaniya at tiningnan parin ang nakasulat sa card.
**
Hello Kimmy,
I can't stop falling in love with you every time you play the guitar.
See you soon.
-Bubbles
**
Kung nagtataka kayo, Banda kasi kami. KyooB ang tawag sa amin dito sa café at matagal-tagal na rin kami dito tumutugtog. Guitarist namin si Kimmy, si Ria naman yung drummer, si Lyan yung base at ako yung kumakanta at the same time, guitarist din ako.
"Nako Kimmy, sabihin ko sayo. Wag kang magpaniwala sa mga ganiyan at baka lolokohin ka lang." singit na sabi ni Lyan.
"Bitter mo naman eh, malay mo yan na pala yung forever ni Kimmy. Diba?" pagdedepensa ko naman sa kaniya.
"Sus, wag mong igaya si Kimmy sayo na may Kervin na. Isang linggo pa kaya kayo nung boyfriend mo tapos may forever-forever kapa dyang nalalaman." –Ria
"Duh~ alam ko naman na nagseselos lang kayo kasi wala kayong mga lovelife." Matapos kong sabihin iyon ay lumabas na ako ng café, pumunta na ako sa sasakyan at umupo sa Driver's seat. Maya-maya pay dumating na si Ria at umupo naman sa passenger's seat at nasa likod naman umupo si Kimmy at Lyan.
" Sino kaya yung 'bubbles' na nagpadala ng card sayo kim?" pagtatanong ni Ria at lumingon sa likod.
"Aba malay ko? Baka napagtripan lang ako ng gago."
"Hahaha! Maka gago ka naman, baka naman gwapo yon at pagsisisihan mo?" panunukso ko sa kaniya at lumingon din sa kinauupuan niya.
"Kung gwapo edi sana dapat siyang nagpakita sa akin, pangit siguro kaya ayon. Hanggang card lang kayang i-abot."
Grabe talaga tong si Kimmy. Nag drive na ako at napatanong sa kanila.
" Gimik tayo?"
"May test bukas Yshi" pagsasabi sa akin ni Ria pero di ko siya pinakinggan at pinaharurot ang takbo papunta sa 'Area'.
"Sorry, gusto ko lang mag inat ngayon. Ano? Game?"
"may magagawa pa nga ba kami?" – Lyan
" Alam ko namang gusto niyo rin mag-inat" tinanggal ko na ang seatbelt ko at lumabas na ng sasakyan.
"bilisan natin to Yshi ng makapag-aral pa ako sa bahay" itong si Ria talaga, pag-aaral parin ang iniisip
"Saglit lang to" pagsasabi ko sa kanila at naglakad na kami papalapit sa Area.
(A/N: AREA – yan ang tawag nila sa lugar kung saan nakikipag-away ang iba't ibang gang)
Nakapasok na kami at napatingin ang lahat sa amin.
"Yow, ito number niyo." At binigyan ako ng number ng lalaki na nag hahandle dito.
" 55 " sabi ko at pumunta na kami sa gitna. Bumaba naman ang grupo ng mga lalaking ang papangit ng mukha. Ang pangit ng porma at ang baduy.
" simulan na natin para maka uwi na agad tayo" pagkatapos iyon sabihin ni Lyan ay agad na kaming sumugod ng suntok at inunahan na ang mga lalaking puro astig lang sa katawan ang meron, wala naman palang binatbat.
" EZ, wala man lang 5 minutes suko na." -Kimmy
Tama kayo ng iniisip. Ang Area ay lugar ng mga gangsters na kung saan ditto sila nag-aaway. May mga numero na ibibigay at kung sino ang gustong makipag away ay mabibigyan ng numero at kung anong numero ang tatawagin nila ay mapapa-away sila sa grupo na iyon. Tulad na lamang ng ginawa naming kanina na tumawag lang kami ng numero at may makaka away ka na.
" Oh tapos. Sabi ko naman sa inyo, saglit lang tayo doon " napatawa naman sila sa sinabi ko
![](https://img.wattpad.com/cover/3398101-288-k21786.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangsters Squad
Ficção AdolescenteAre you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.