Meet the boys
Steve - Charles - Mervin - Kirk
-------------------------------------------------------------------------
Chapter 3:
Steve's POV
Nandito ako sa Minnie Café ngayon. Kung nagtataka kayo kung bakit ako nandito, to tell you. Kami ang nagmamay-ari ng café nato. To be more specific, sa family ko. Ako nga pala si Steve Laven. Kanina pa natapos tumugtog ang KyooB at talaga nga namang magagaling sila. Hindi ko nga alam paano at kalian lang sila tumutugtog ditto pero advantage naman namin yun kasi maraming costumers ang pumupunta pag nandyan sila.
Tumunog yung phone ko at tiningnan ko kung sino ang tumatawag.
**
Mervin calling..
+639290000000
**
"Ano?"
"Saan ka?"
"Sa café, bakit?"
"Area tayo, tara."
"tinatamad ako. Kayo nalang muna."
"Sht. Pakipot pa. Bahala ka dyan"
Ako pa ang minura, ako pa ang binabaan ng phone. Problema nun? Eh sa tinatamad ako.
Yung tumawag kanina si Mervin Dionisio pala 'yon. Sya ang President sa School namin. Walang pake sa mga babae at napagkakamalan kong bakla 'yon kasi ni crush man lang, wala ang loko.
"ba't ka nasolo dyan?" tumingala ako at si Kirk Gonzales pala. Ito walang problema sa buhay. Palaging okay at di magulo kausap. Mahilig sa mga chiks at mahilig mag PDA sa mga ka relasyon niyang ni hindi umaabot ng dalawang araw.
"wala, gusto ko lang mapag-isa" sagot ko naman
"nag eemote ka lang dyan eh. Hahaha" tawa naman ya kaya tinapunan ko siya ng kung ano man ang nasa malapit sa akin pero nasalo niya naman ito.
"takte! Pre ano to?"
"gago, kainin mo kaya para malaman mo?!"
" pikon naman nito, eh sa nagtatanong nga lang ako."
"ewan ko sayo. Bahala ka" at iniwan ko siya sa loob.
" wala akong magawa dito, alangan naman itapon ko baka ilibing mo ako ng buhay. Ayan na mister" at inabot niya ulit sa akin yung tinapon ko. Importante kasi tong bagay na to. Kahit marami akong ganito pero alam ng barkada ko na mahilig at gusto ko ang mga ganito.
"teka nakita mo ba si Charles?" tanong niya sa akin at hindi ko siya kinibo
" eh ikaw kaya Kirk nakita mo si Charles? Ay hindi? Ako rin, hindi ko nakita. Sige alis na lang ako"
Baliw na ata tong si Kirk, kinakausap ang sarili niya. Ayaw ko magkaroon ng kaibigang baliw at takas sa mental. Ano ba naman to!
BINABASA MO ANG
Gangsters Squad
Teen FictionAre you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.