Lyan POV
Lyan and Kirk above!
Matapos nung eksena namin ni Yshi sa kitchen ay nagtungo na ako sa kwarto ko, nalaman ko na ditto yung room ko dahil may LC na nakalagay, so Lyan Corpuz. Habang nasa loob ako ng kwarto ay nilalabas ko na rin ang ibang gamit ko para mailagay ko na sa lalagyan.
Nakita ko si Kirk kanina, nasa pool side siya at hindi siya nakatingin sa akin, kaharap niya sina X,Y,Z. yung cute na dog niya! Gusto ko sanang lumapit at tanungin kung bakit siya nandito ng may na realize ako, possible ba na sila ang magiging kasama namin sa group? Sa KyooB Perfection?
Umalis na ako doon at saktong nag-uusap sina Mervin at Yshi, actually. Nag-aaway talaga sila. Kaya doon na conclude ko na silang apat nga ang anak ng mga may-ari ng Xavier Company. Ang liit ba naman ng mundo.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na ako sa pag aayos ng gamit ko. Naisipan kong maligo at lumabas. Naka white shorts lang ako at black v-neck shirt dahil nasa bahay lang din naman, sinuot ko rin yung slippers na nasa shoe rock nakalagay. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay nakita ko agad sa paanan ko sina X,Y,Z. Awe ang cute cute talaga nila! Binuhat ko si X at sina Y at Z naman ay sumunod na lamang sa akin habang pababa na sa hagdan.
"missing them?" napatingin ako sa lalaking nagsalita at talagang hindi naman ako nagkamali. Si Kirk nga, binuhat ni Kirk si Y at Z matapos ay umupo sa sofa. Tumabi naman ako sa kaniya at nilalaro parin yung mga aso.
"paano ba namang hindi ma miss eh ang cute cute nila!" at kiniliti kiniliti ko sila at sila naman gumagalaw galaw side ways.
"cute nga, mana sa akin" at nag wink naman siya saakin sabay ngisi. Ew
"tigilan mo yan, nagmumukha kang sirang tao." At inirapan ko siya, nag usap kami tungkol sa boutique at sa order sa akin ni Nick, na childhood crush ko. Kinwento ko rin sa kaniya nung time na nasa party kami na nakabangga ko si Nick pati na ang pag takbo ko papuntang CR. Natawa naman siya sa akin at sabing ang tanga ko raw.
" Hindi ko kaya kasalanan yun kasi agad na lamang siya - - " naputol ang sasabihin ko ng makita kong pababa si Kimmy mula sa 2nd floor at medyo magulo pa ang buhok, bagong gising lang ata ah?
"nandyan na pala kayo?" halos mamikit matang tanong niya sa akin. Eh sa kung hindi nalang kaya sana gumising tong babaeng to at nagpatuloy na lamang sa pagtulog. Ay naman.
"oo, kanina pa" lumapit siya sa akin at papikit pikit pa rin ang mata. Nakita niya yung mga aso at wala lang sa kaniya, napatingin naman siya kay Kirk. "Hi Kirk" matapos niyang sabihin yon ay aalis na sana siya.
"wait, Kirk?! Bakit ka nandito?!" gulat niyang tanong kay kirk at agad na napabalik at parang nagising sa katotohanan.
"kanina pa ako nandito at ngayon mo pa yan naisip? Imba ka talaga Kimmy" sumingkit ang mata ni Kim
"kasi naman anong ginagawa mo ditto, bahay naming to. Stalker ka ba namin? Ha?" masuningit na asta ni Kimmy na nakalagay pa ang dalawang kamay sa bewang nito. Galit ang lola ah?
"Kimmy, sila ang Perfection. Sila ang makakasama natin" sabi ko kay Kimmy na nagpagulat kay Kirk
"sinong nagsabi sayo na kami ang Perfection?" taking tanong ni Kirk,
"naisip ko lang, nandito kasi kayong apat so malamang kayo ang perfection."
Matapos nung pag-uusap naming na talagang nagpa mangha kay Kimmy ( ang liit lang kaya ng mundo ) ay nagtungo na kami sa Kitchen. Nakita namin si Mervin na nagluluto kasama si Charles.
"Wow Charles, nagluluto ka na?" tanong ni Kirk at binaba na yung mga aso na hawak niya, nagtakbuhan naman palabas ng kitchen sina XYZ at malamang naglalaro na yon sa labas.
"ang hirap turuan ng lalaking to, sarap sapakin." Kumento naman ni Mervin na nasa tabi ni Charles.
"gago ka, totoo namang mahirap magluto." At binuksan ni Charles yung nasa stove na lalagyan.
"ang bango naman~" napalingon kami sa nagsalita at bagong dumating, si Ria naman pala.
"saan ka galing ah?" pag tatanong ni Kim sa kaniya at natahimik naman siya, pansin naming namula si Ria at umiwas ng tingin sa amin.
"HAHAHAH" agad na tumawa ng malakas ni Mervin at halos gumapang gapang na lamang siya sa sahig dahil sa kakatawa niya.
"baliw" sabi ko naman, eh matino ba ang tatawa lang agad?
"cge ka zxcvz xcavsdxgs zde" hindi naming narinig pero may binulong si Charles kay Mervin.
Napatingin ako kay Charles at napalipat ng tingin kay Ria, napatingin ulit kay Charles, Kay Ria nanaman.
"sandali, may nangyari ba?"
BINABASA MO ANG
Gangsters Squad
Teen FictionAre you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.
