Chapter 52 "Reunited"

21.8K 538 13
                                        

Lyan and Kirk picture above ....


Kirk POV


Nagising ako at kasalukuyang nasa dining table pa rin. Tokwa! Ang sakit ulo ko! Meron parin yung mga bote ng beer na ininom ko sa mesa. Napahawak ako sa ulo ko at naglakad na lamang papuntang kwarto.



11pm na pala, ang sakit talaga sa ulo, pagkarating ko sa kwarto ay humiga na ako at pinikit yung mga mata ko.



"Kirk, ako na lang, para di ka masaktan ng ganyan" did Lyan really told me this?



Pero, yung nangyari kay Abbi na nakita ko siyang nakipag halikan, totoo yon. nakita ng dalawang mata ko at naramdaman ng pisngi ko yung sampal niya.



Ang mas masakit don? Matapos niya akong sampalin, sumama siya don sa lalaking di ko naman kilala.



Ganon na lang ba talaga kadali para sa kaniya? Ako kasi, hinintay ko siya. Pero naghihintay lang pala ako para saw ala, bwiset! Naiinis ako tuwing naalala ko yung pagsampal niya at pagsama sa lalaki niya.



Simula nung dumating, di pa kami nagkausap, except na lang don sa sinabihan niya akong "tama na Kirk!" tapos sinampal. Gago. Napaka-gago ko para mabaliw sa kaniya. All this time, akala ko yung first love mo, yun na yung forever mo, pero di pala. I just waisted almost how many years waiting for her answer. Naghihintay lang pala ako sa wala.



Kinabukasan, nagising ako dahil may kumakatok sa kwarto, "pasok" sabi ko nalang kasi naman ang sakit ng ulo ko para tumayo at pagbuksan yung nakatok sa pinto.



"Goodmorning" may dala si Lyan na tray at may coffee na nakalagay



"inumin mo, para mawala ang sakit sa ulo" at binigay niya sa akin yung cup of coffee.



"ang pait naman nito" napangiwi ako kasi parang ni asukal di niya ata nilagyan



"ano gusto mo maalat?" ngumiti siya at tumayo na. "Mag-ayos ka" sabi pa niya sa akin tapos lumabas na ng kwarto.



Eh? Anong trip non? Mag-aayos ba ako ng ano? Kaya naman tumayo na lamang ako at naligo, medyo effective din yung coffee kasi nawala naman yung sakit ko sa ulo.



Nang matapos na ako, nagtungo na ako sa ibaba, nakita ko si Lyan. Napatingin ako sa suot niya at napatingin din ako sa suot ko, coincidence nga lag ba to? Bakit parang couple to kasi parehas kami ng style? (see the picture above)

Gangsters SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon