Yshi's Picture above!
Yshi POV
Nandito kami sa living room at hinihintay na matapos magsalita si Manager Han, inulit lang niya yung schedule namin for this day, photoshoot first tapos punta sa school mamayang 1pm. Nang matapos na siyang magsalita ay lumabas na kami at sumakay na sa van, photoshoot ng Elegance pala tong pupuntahan namin. Nakahati yung pagsakay naming, bale dalawang van ang dala, yung Perfection ay sa kabilang van at yung KyooB naman dito na van.
Habang nasa byahe hindi talaga maiiwasan ang kwentuhan, kaya naman "first time kong mag photoshoot" sabi ni Lyan na kasalukuyang nakatingin sa mukha niya sa mirror. "ang laki pa ng eyebugs ko" sabi ulit niya.
"kasi naman, anong oras kang natutulog" –Kimmy
"maaga kaya akong natutulog, talagang kusang lumalaki sila at nagiging malusog pa" –Lyan
"eh paano nalang ako? anong tawag mo dito sa mata ko?" ayun, nagsalita na ako, kasi naman malaki rin kaya yung eyebugs ko, di ko nga alam bakit malaki to tapos si si Kimmy walang eyebugs. Ang unfair talaga ng buhay.
"nako, eh parang lahat naman tao may eyebugs, wag kayong oa" –Ria
"nakapagsalita ang may lovelife na, ayiee, ba't ba ang sweet niyo ni Charles, ano bang start ng lovestory niyo?" pangungulit ko naman sa kanila. Kasi, yung ganon na relationship yung gusto ko, yung sweet yung lalaki tapos yung girl naman, pakipot. Ahihi ang landi ko lang.
"Eh kayo? Ba't di kayo sweet ni Kervin?" nagsalita si Kimmy kaya napatingin ako sa kaniya. Ayan na naman, nalulungkot nanaman ako pag naiisip ko yung katotohanan na yan, yung Kervin na boyfriend ko na walang paki-alam sa akin.
"natatakot ako" pag amin ko sa kanila.
"natatakot ako kasi baka mawala yung pagmamahal ko kay Kervin"
"bakit ka natatakot? Dapat nga ikatuwa mo yan, sabi ko nga sayo Yshi, natuturuan naman ang puso eh" –Kimmy
"tumpak! Kaya kung saan ka masaya, go for it, wag mong pigilan ang sarili mo maging masaya, You Only Live Once" – sabi ni Ria, ito talagang tatlong to, kaya mahal na mahal ko to eh. Todo support sa akin.
"sige na nga, oo na. makikinig na ako sa inyo" at ngumiti ako sa kanila. Pero paano na kung bumalik si Kervin? Kami parin naman, hindi pa naman kami nag break, paano ko sasabihin sa kaniya na ayoko na at pagod na ako? ano kaya irarason ko?
BINABASA MO ANG
Gangsters Squad
Teen FictionAre you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.
