Yshi and Mervin <3
" experiment"
" baka naman malison ako niyan!"
" okay lang" sagot niya pero binatukan ko siya. Okay lang your face pft
Ano oras na nga ba? Napatingin ako sa wall clock and 8am na pala.
" by the way, kumusta pakiramdam mo?" tanong niya sa akin
" okay na ako. Siguro na trauma lang ako kagabi"
" bakit naman kasi hindi mo nilabanan?"
" nawalan ako ng lakas. Di ko alam bakit" seryoso naman kasi. Nanghina agad ako kagabi ng di ko alam.
" dahil yan sa boyfriend mo?"
" aba'y malay ko ba" mataray kong sagot at naisip si Kervin.
Nakaka-inis. Nakakainis lang na siya yung boyfriend ko pero ibang tao pa ang nagligtas at nag alaga sakin. Nakaka badtrip!
Nang matapos na siyang magluto ay kumain na kami. Nag kwentuhan kami at madalas ang mga bangayan at hindi pagkakaintindihan. Tulad ng sabi niya na mas masarap daw kumain sa Jollibee eh sabi ko naman mas masarap sa Mcdo. Tapos yung sabi ko na ang cute ni hello kitty eh sasabihin niyang lalaki daw yon, hello? May ribbon si hello kitty tapos lalaki? Anong klaseng pag-iisip kaya yon. then yung Mas masarap kainin ang Nova, pero mas masarap kaya ang Piattos.
Pero natapos rin naman agad ang lahat ng napagdesisyunan ko ng umuwi at papasok pa ako.
" Afternoon class maabutan ko" malungkot na sabi ko
" tulog mantika ka kasi"
" hoy! Hindi kaya! Talagang... ano lang, yung, yung may sakit ako. Tama! May sakit ako kaya ganon" ano ba naman, nabubulol mga sinasabi ko eh.
" tulog mantika ka" at ginulo niya ang buhok ko at lumabas na kami sa bahay niya. Hinatid niya ako sa amin
"cge, salamat nga pala Mervin" papasok na sana ako ng mas nauna pa siyang pumasok sa gate ko kesa sakin.
" oy! At bakit ka napasok ditto?"
Hindi siya nakinig sa akin at pumasok sa bahay ko
" hindi mo ni lo-lock yung bahay mo. Delikado yan" at pumasok na siya sa loob. Aishhh ano ba naman to?!
Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko siyang nakahiga sa sofa ko. Sinamaan ko lang sya ng tingin at dumiretso na sa kwarto para makapag bihis ng uniform.
Paglabas ko naman naabutan ko siyang nakahiga parin ng bigla siyang magsalita
" alam mo bang ang sakit ng katawan ko kasi sa sofa ako natulog kagabi?"
" eh ano naman pakialam ko?" bumangon siya at tumingin sa akin tapos ngumisi
" ikaw ang natulog sa kwarto ko kaya sa sala ako natulog kagabi" sabi niya naman at tumayo na.
" mauuna na ako" lumingon siya at nag wink pa sakin bago umalis.
Umiling nalang ako at kinuha ang phone tapos nag charge.
Leche! Ang daming text at calls. Kadalasan galing kina Kimmy. Nako, malalagot talaga ako nito.
BINABASA MO ANG
Gangsters Squad
Fiksi RemajaAre you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.