Kimmy POV
Kasi nga free time naming ngayon at nasa mall kami, naisipan kong bumili ng ice-cream.
"Yshi, bili tayo ng ice-cream?"
"ha? Mamaya nalang, nagsusukat pa kami ni Ria ng dress eh"
"ganon ba" nalungkot naman yung mukha ko, ako lang pala magi sang bibili ng ice-cream.
Naglakad na ako palabas ng shop na pinasukan nina Yshi, napapansin ko yung tingin ng mga tao sa paligid kaya naman, ngumingiti na rin ako, hindi nga naman talaga maiiwasan ang may magpa picture. Mabuti nalang talaga at konti lang yung tao na napapasiyal dito.
"ate, isa nga po, yung nasa cup" tapos binigay ko na yung bayad ko, at ngumiti kay ate na mukhang 40+ na ata yung age, "ineng, diba ikaw si Kimmy?"
"opo, bakit po?"
"nako, yung anak ko kasi, fan na fan ng KyooB Perfection, grupo niyo yon diba?" tumango naman ako,
"pwede ba ako kumuha ng picture mo?" nagmamakaawa si ate kaya naman pinagbigyan ko na, matapos niya akong kuhanan ng picture, medyo nahiya ako kasi di naman ako sanay sa ganito.
Nang naglalakad ako habang kinakain yung ice cream, may agad na yumakap sa likuran ko.
"baby~" paglalambing ni Steve sa akin, napansin ko simula nung naging kami. Mas naging sweet siya, hindi naman talaga nawawala yung pangpipikon niya sa akin pero other than that wala na. mas malambing pa nga siya kesa sa akin.
Bumitaw siya sa pagkakayakap at tumabi, "pahingi" sabi niya and opened his mouth waiting for me to give him some.
"ayaw ko" tapos non ay kinainan ko yon and stuck my tongue out para asarin siya.
"okay, then if I can't have that.... Can I have you?" napalaki naman yung mata ko at pinalo siya sa braso.
"bastos! Leche ka!"
"pahingi na nga kasi, subuan mo ako"
"No"
BINABASA MO ANG
Gangsters Squad
Teen FictionAre you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.