Chapter 44

32.8K 779 74
                                    

Yshi POV


Nandito na kami ni Kimmy sa room namin, ngayon ko lang napansin na iisang bed lang pala ang mga rooms ng bahay na to, pero king sized bed naman kaya okay lang. Naisip ko lang kung kumusta at paano na kaya sina Ria at Lyan ngayon? Hmm... Matanong ko nga bukas kung kumusta ang first night nila. Aweee <3 nakakakilig naman pag ganon.



Tinigil ko na yung pagpapantasya ko ng magsalita si Kimmy na kasalukuyang nasa bed at nakahiga.



"talaga bang walang pag-asa si Mervin sayo?" nabigla naman ako sa tanong niya at nahinto sa pagkalikot ng mga gamit ko sa maleta.



"ano ba namang tanong yan Kim, suus. Ikaw talaga" patawang sabi ko sa kaniya para maiba lamang yung topic.



"naman eh, sige na. Wala bang chance si Mervin? Kahit maliit lang? yung small lang talaga?" at nag form pa sya ng parang small na figure sa mga kamay niya. Tumayo ako lumapit na rin sa may bed.



Nilagay ko yung kamay ko sa ulo ko at kuyari daw ay nag-iisip, "gwapo naman si Mervin, mayaman, at palagay ko mabait naman siya, kasi nung last time siya yung tumulong sa akin at pinakain niya pa ako sa bahay niya at ako pa yung natulog sa kwarto niya tapos - - "



"as in? ginawa na niya sayo yun?" gulat na tanong ni Kimmy at napa upo mula sa pagkakahiga. Ano ba namang nakakabigla don? Eh sa kahit sino naman gagawin siguro yon saakin. Bwahaha (feeler ako)



"oo, eh bakit ba ang big deal nun sayo?" sabi ko naman at inirapan siya. "duh Yshi. Ang tanga mo naman, ibig sabihin non, he cares for you! May gusto sya sayo!" napaharap naman ako sa kaniya at sinimangutan siya.



"Kimmy, iba yung care sa gusto. May care nga sya sa akin pero alam ko namang wala siyang gusto. Nako nako, pinapalaki mo yung usapan, wag mo lagyan ng malisya yung pagtulong niya saakin." Matapos kong sabihin yon ay kinuha ko na yung towel ko at nagpuntang CR para maligo.



Habang nakatingin ako sa malaking mirror sa loob ng CR... "possible bang may gusto nga si Mervin sa akin?" what. Ano ba naman to, kinakausap ko na yung sarili ko sa salamin. Wala namang sinabi si Mervin na "Yshi, I like you" or "Yshi, May gusto ako sayo" kaya hindi ako mag coconclude na may gusto siya sakin.



Pero kung meron nga naman, hmm. I'm happy! Kasi may magkakagusto at makaka appreciate pala sa akin.



Kirk POV



Kasalukuyan akong nakahiga at nakatalikod sa babaeng katabi kong matulog. Alam niyo ba kung anong pinag-gagawa niya kanina? Nako! Wag niyo ng alamin, talagang bukas sa labas na siguro ako matutulog dahil sa likot ng babaeng to. Napatingin ako sa oras at " shit. It's already 3am " at hindi pa ako natutulog.

Gangsters SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon