Kimmy and Steve on the picture above
------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 5:
Ria POV
"Ria, ano nga yung answer sa number 14?" mahinang tanong sa akin ni Kimmy na syang nasa tabi ko lang.
"Chlorofluorocarbon" mahinang sagot ko naman at nagpatuloy na sa pagsagot .
"uy, ano spelling non?" tiningnan ko sya ng masama at nagpa cute lang sa akin. Duh~ palagi naman syang ganyan.
"CFC nalang ilagay mo para mas madali" at inirapan ko na sya
Natuwa naman ang loka at pinabayaan ko na.
"Ria!" mahinang tawag ulit sa akin. Kilala ko ang boses na to, kung di ako nagkakamali talagang si Yshi to.
"Ano?!"
"uhm, ano pagkatapos ng Boron sa periodic table?"
"Carbon" sagot ko naman sa kaniya at nagpatuloy na ulit sa pagsagot.
Ilang minute pa ang lumipas at tapos na ako. Nirereview ko lang ang sagot ko ng may nag ring na phone.
" Class, wait a minute. Sasagutin ko lang yun tumatawag" sabi ng teacher naming at lumabas na .
Tumitingin ako sa palibot at busy pa silang sumasagot. Teka, I rereview ko nalang yung mga sagot.
What the heck? Asan ang papel ko?
napatingin si Lyan sa akin at tinaas yung paper na hawak niya. Nako naman, dapat kasi talaga hindi nalang kami pumuntang Area kagabi. Ayan tuloy, hindi na nag-aral ang tatlo at mukhang magkakapareho pa kami ng score nito. Magkakatabi lang kasi kaming apat at nasa pinakalikod kami naka upo kaya makikita ni maam kung nag kokopyahan ba.
**
BINABASA MO ANG
Gangsters Squad
Teen FictionAre you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.
