Chapter 31 "Wala na"

40K 848 58
                                        

Kimmy POV




Nandito na ako sa bahay, nakahiga at hawak-hawak yung phone ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakahawak ng phone eh sa wala naman akong hinhintay. Napatingin ulit ako sa screen at walang text. Walang tawag. Walang kahit na anong notifications. Naks ano bang nangyayari sa akin.



Possible nga bang siya si Bubbles? Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama at nagtungo sa cabinet ko at kinuha ang kahon na nandoon. Ditto nakalagay yung letters na pinapadala saakin na may code name na Bubbles. Possible bang si Steve at si Bubbles ay iisa?



Kanina kasi sa kwarto niya, di ko alam at hindi ko in-expect na may ganon karaming collections siya ng bubbles. Nang makita naman niya akong naglalaro eh wala lang siyang reaction at sinabihan lang ako na luto na raw yung pagkain na niluluto niya. Niligpit ko na rin yung bubbles at binalik sa lalagyan.



Talagang ang raming bubbles ng kwarto ni Steve. Parang mas babae pa tingnan yung kwarto niya. Habang kumakain kami ay wala na ring kumibo at nagsalita. Kumain na rin ako kasi gutom na ako, talagang nagwawala na yung mga alaga ko sa tyan. Ito kasing si Steve, di ko mainitidihan, pumunta pa kaming Four&One pero di naman siya nakain. Hahaiy.



Yshi POV



"Kumusta ka na?"



Wika pala yan ng lalaking nasa harapan ko, yung lalaking kahit na durog na ang puso ko pero minamahal ko pa rin. Si Kervin. Lunch time naming ngayon at sinundo niya ako sa school para daw sabay kami kumain sa labas.



" okay naman ako. ikaw?" walang ganang sabi ko. Nalulungkot ako, ngayon pa ulit kami nakakain sa labas at hindi ko alam kung tuwa ba o galit ang mararamdaman ko. Tiningnan niya ako at ngumiti siya sa akin.



" babe, alam mo naman. Busy masyado ako sa school" paglalambing niya sa akin, ayan na naman tayo eh. Isa sa ayaw ko sa sarili ko eh sa konting lambing nga lang niya napapatawa at napapangiti na niya ako.



" hindi, I understand. Alam ko naman na pine-pressure ka ng parents mo na makasali sa ranking" kahit na ang totoo, hindi ko siya maintindihan. Ni balita tungkol sa academics niya ay wala akong alam, yon naman kasi sabi niya sa akin. Busy siya sa school kasi gusto ng parents niya yon.



" sus, kumain ka na lang" at sinubo niya sa akin ang baked macaroni na inorder niya.



May mga panahon talaga na hindi ko magets si Kervin, pero di bale. Mahal niya naman ako eh. Iyon ang sabi niya.

Gangsters SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon