Kimmy and Steve Picture above!
Kimmy POV
Natapos na ang Quiz Bee and yes! Panalo sina Ria and Charles. Ang daming nag cheer at sumisigaw ng binigyan na sila ng Award, mas lalong nag ingay ng biglang magyakapan ang dalawa dahil sa saya. They're like Real Life couples kahit hindi naman talaga totoo.
Currently here @Minnie Cafe, celebrating the victory of Ria and Charles. Maraming pagkain at inumin ang nasa harapan.
Hindi namin ine-expect to. Hindi naman namin alam na magkakilala na pala kaming lahat dito.
Hindi ko alam kung talagang pinaglalaruan kami ng pagkakataon at magkakakilala lang kaming walo ditto. Ria was with Charles, kilala ngang couple yang dalawa kahit di naman ganoon ka totoo kasi walang ligawan na nangyari dyan, nagkakilala through Quiz Bee at ang tatalino pa. Yshi with Mervin, na kitang-kita na nag iiwasan ang dalawa, Yshi pushed that she had a boyfriend kahit hindi naman naming ramdam at yung boyfriend niya, kilala pang babaero. Well, we know that Mervin has feelings towards Yshi, yun nga lang, hindi maka tyempo kasi kay Kervin ( boyfriend ni Yshi ). Lyan with that guy, Kirk. Yung may kasalanan sa boutique ni Lyan at naging magkakilala dahil pinapagawa nya ito ng mga nabasag niyang crafts, and then Ako at itong si Steve. Engange by our parents without my approval.
Talagang ang liit ng mundo ano?
" yung order sayo, natapos mo na?" rinig naming tanong ni Kirk kay Lyan na kasalukuyang kumakain.
Lumingo naman siya at ibig sabihin non hindi pa raw niya natatapos.
" tsk tagal mo namang matapos, ang liit lang ng order sayo di mo nagagawa" pagpipikon ni Kirk kay Lyan, ngunit tiningnan lang masama ni Lyan si Kirk
" kasi po mister, ako lang ang gumagawa ng crafts at may pasok pa po ako sa umaga, may gig sa gabi at - - " naputol ang sasabihin ni Lyan ng dinugtungan ito ni Steve.
" at nagpupunta pa sa Area?" napasimangot na lamang ang mukha ni Lyan at inirapan si Steve.
"teka, naalala niyo ba nung nag Area tayo nung nakaraan at nakisakay lamang si Kim?"pagbubukas ni Ria ng topic
" ay oo, nung time na na flat yung gulong ng sasakyan niya!" tawang sabi ni Yshi, at natawa narin sila.
" speaking of gulong, naalala mo ba Steve, last time napunta tayo sa kabilang school dahil don sa nag overtake sayo at muntik na kayong magbangga?" nakangiting sabi ni Mervin at napatingin kay Steve
" Ano nga ba yung plate number Kirk?" tanong niya sa katabing si Kirk
" KF ata yon eh" singit ni Charles sa usapan
Like what the? Sasakyan ko yun! Napatingin ako kay Steve at tiningnan siya ng masama, Ay nak-nang! Siya ba may kasalanan kung bakit na flat yung gulong ng mga sasakyan ko that time?!
" wag mong sabihin, kayo ang may dahilan kung bakit na flat yung sasakyan ni Kimmy?" gulat na tanong ni Ria at nag tinginan naman sila.
" KF, stands for Kimmy Fortez. So kayong mga kumag kayo ang may dahilan non ano?!" sabi naman ni Yshi
" wait, we're innocent. Siya nag utos." Mahinahong sabi ni Mervin kay Yshi at tinuro si Steve.
At ngayon, kaming lahat napatingin sa direksyon ni Steve, " what?"
" what-what ka dyan. Ano kaya kung sipain kita! Ha! Walang hiya ka, ikaw pala may kasalanan kung bakit naging ganon yung sasakyan ko! Papatayin kita!" at pinaghahampas ko siya sa braso, magkatabi naman kasi kami
" sasabihin ko kay mommy yung nangyari, at pag ganon. HEH! hindi na niya ako I e-engange sayo! Sa taong pahamak at pangit!" inis na sabi ko sa kaniya at tumayo na para mag walk out
" the word, pahamak is okay with me. Pero pangit? Ikaw pa lang nagsabi sakin niyan babe" sa inis ko, nilingon ko siya at " you shut up! Babe mo mukha mo!" and then showed him dirty finger, masama na kung masama. Nakaka badtrip naman kasi.
Nang maka uwi na ako sa bahay, na receive ko yung text ni Ria na nandon pa raw sila at magpahinga na lang muna ako, pumayag naman ako at sinabihan ko silang mag ingat sa mga lalaking yon.
Well, ngayon naiinis ako kay Steve. Isa lang ang sigurado ako. sigurado akong hindi siya si Bubbles. Kasi ngayon sa pagkaka-alam ko. Talagang may lihim na masamang balak yang Steve nayan. Sasabihin ko to kay mommy, at alam kong ilalayo na niya si Steve sa akin at magiging okay na ang lahat.
Kinabukasan nag punta ako sa Ematiquette Company, kumpanya ng mga pamilya namin. Pumasok ako sa office ni mommy at pagkapasok ko ay naabutan ko sila ni dad na nag-uusap.
" oh, what a surprise from my princess" sabi ng daddy ko at sinalubong ako ng yakap.
" yes, whatever. Mommy, ayoko po na ma engage kay Steve Laven" direktang sabi ko sa mom ko at tiningnan niya lang ako at saka ngumiti.
" okay dear, let's cut that engagement thing." Sabi ng mommy ko. Wow, ganon lang naman pala kadali. So nothing to worry!
" cool, so I gotta go." Papalabas n asana ako ng...
" but not that easy my princess" at anong? Napalingon ako sa sabi ni daddy.
" This evening, there's big party, and you, together with Ms. Santos, Ms. Cruz and Ms. Corpuz. Should attend." Sabi ng daddy ko at tiningnan ko siya ng masama.
" dad! Alam mo namang ayaw naming sa mga party na ganyan. We know na kami mag mamana sa mga business but we hate parties." Lumapit ako sa daddy ko at nagmakaawa. Ayoko talaga ng parties.
" bakit naman? Okay, so if you'll not attend the party then we'll not cut the engagement."Nasisiraan naba ng bait ng mga magulang ko? Bakit ba ganito sila?!
" choose" sabi ng mommy ko.
" I'll go to the party, just – just cut that engagement thing. Kinikilabutan ako pag naririnig ko yan e" at tuluyan na akong umalis sa office niya. ugsh just, nakakainis!
I called Yshi and told them na magkikita kaming starbucks.
Habang naghihintay ako sa kanila ay may nakita akong mas napainit ng ulo ko.
Steve. And he's with Viera.
He's with the school's #1 Flirt
BINABASA MO ANG
Gangsters Squad
Roman pour AdolescentsAre you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.
