Chapter 25:
Lyan POV
Nandito kami sa boutique ngayon at obviously nagsisimula na gawin ni Kirk yung unang glass craft na nabasag niya.
" Bakit ba ayaw mong dumikit" narinig kong sabi ni Kirk, eh parang kanina pa yan nagsasalita mag-isa. Kinakausap yung kaharap niyang craft.
" mabigla ka pag sumagot yan. Halaka" pananakot ko pa sa kaniya at di siya kumibo. Naka upo naman ako ditto sa counter at tinitingnan siya sa di kalayuan na gumagawa pa. Hindi pa siya nakakalahati sa ginagawa niya at napapansin kong nahihirapan nga siya.
Tsk. Magdusa ka. Kasi naman kung di pa niya dinala yung girlfriend niya ditto eh di sana makakabasag yan.
" nga pala, asan na ang girlfriend mo?"
" tinatanong paba yan? Syempre yung kausap ko"
" Leche, kinakausap kita ng matino kaya sumagot ka ng maayos!" ayan na naman ang bangayan at sigawan namin.
" saang girlfriend ba?" sabi naman niya at natatawa pa
" yung nakabasag ng craft"
" hindi ko naman girlfriend yun eh, babae ko lang yun. Alam mo na, iba-iba ang taste of the day ko"
" pfft ang loko niyo talagang lalaki ano? Kawawa naman magiging asawa mo"
" matagal pa yan eh ba't napunta ka agad sa usapang asawa? Hanep. Time machine ba gamit mo?"
" isa nalang talaga, kung hindi ka titino dyan malilintikan ka sakin" ugsh, this guy is getting on my nerves. Nakakapikon na.
Ngumisi lang siya at nag wink pa. ew ang bastos lang. hindi ko na siya kinausap ng may pumasok na Costumer.
" Good Afternoon Sir"
Pagkasabi ko non ay nahinto ako. " Nick " mahinang sambit ko sa pangalan niya at ngumiti siya saakin. " Am I that famous for you to know me?" at nabigla ako sa pagka sabi niya ng ganon
BINABASA MO ANG
Gangsters Squad
Teen FictionAre you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.