Chapter 49 "His Voice"

30.9K 683 70
                                    


Yshi POV

Yshi and Mervin above! So cute!


Second day na namin to, at nalulungkot ako. "Lyan? Area tayo?"



Sinamaan naman ako ng tingin ni Lyan at sinamaan ko din siya ng tingin, ayy ano ba naman.



"Kimmy? Area tayo?" di niya ako kinibo at umalis naman sa harap ko, nasa living room kasi kami ngayon.



"Eh ikaw Ria? Wag mong sabihin na pati ikaw I rereject ako?" at tumango na lamang si Ria.



Ano ba naman to, wala ba silang gana mag Area ngayon? Nakaka miss kaya mag Area.



"Ako Yshi, hindi kita I rereject" napatingin ako sa nagsalita at si Mervin nanaman.



Inirapan ko siya sabay sabing "hindi ikaw tinatanong ko"



Matapos ko yun sabihin ay agad naman nag react sina Steve, Kirk at Charles.



"kawawa ka naman Mervin, hahaha!" – Steve



"wag ka kasing papansin! Hahaha ayan tuloy napala mo" – Kirk



"oy oy wag kayong ganyan, masasaktan si Mervin hahaha" – Charles



"minsan talaga napapaisip ako kung bakit ko kayo naging kaibigan" sabi ni Mervin sa kanila



"gwapo kasi kami" sabay na sabi ng tatlo. Heh ang hangin talaga ng magkakaibigang to. Sarap hampasin.




Nabigla ako ng agad na hinawakan ni Mervin yung kamay ko hinila papunta sa labas, ano ba naman to, bakit ba trip niyang hinihila o hinihigit ako tapos mapupunta na lamang kami kung saan saan? Huhuhu nagmumukha na akong alalay niya sunod ng sunod.



Hindi na ako nag protesta at sumakay na lamang sa sasakyan niya, wala naman kasi kaming schedule ngayon umaga, mamayang gabi pa raw, may Live Show kami pero mamaya 7pm pa naman yon.



Tahimik lang yung byahe at walang nagsasalita, "saan ba tayo?" tanong ko pero di naman siya sumagot.


"sungit nito" sabi ko sa kaniya at inirapan siya


Gangsters SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon