Ria and Charles Picture above ...
Maya maya pa ay dumating siya na may dalang juice at sandwich. " baka gutumin ka."
" salamat" sagot ko naman at tumayo. Tiningnan ko yung books na nasa shelves. " Marami kang history books. Favorite subject mo?"
Tumango lang siya. Kaya naman bumalik na rin ako sa sofa at may binuksan ng aklat. Nagsisimula na akong magbasa at History naman pala yung Quiz Bee. One of my hatest.
Sinarado ko na ang aklat at nag-inat. Nakakapagod naman magbasa. Natapos ko na ang first book at ready na akong magbasa ulit ng ibang book ng mapansin kong may nakatingin sa akin. Lumingon ako sa direksyon ni Charles na naka bukas ang aklat at nakita ko yung pagtingin niya sa akin at pag-iwas niya ng tingin.
" nahiya pa. Nakita ko naman" sabi ko ng patawa
" crush mo ko no?" pagkasabi ko non ay napa-ubo siya
" Asa. Baka naman ikaw may crush sakin?" binalik niya sa akin yung tanong pero lumingo lang ako.
" hindi ka tutugtog?" narinig kong tanong niya at..
" hala! Anong oras na ba?" napatingin agad ako sa phone ko para matingnan ang oras 8pm na pala. Di bale, sila nalang muna don. Kailangan kong mag review.
" Next week na ang Quiz Bee" napatingin naman ako sa nagsalita
" kaya nga eh, hindi na muna ako tutugtog." Teka. Paano niya nalamang tumutugtog kami?
" hoy, stalker nga kita ano?"
"Napupunta ako sa Minnie. Kaibigan ko may-ari non"
"Alam ko namang nahihiya kang aminin. Wag kanang magpalusot"
" edi wag kang maniwala " at may tumunog na phone
Kay Charles pala. Sinagot niya ito at ako naman naka abang lang sa gagawin niya
"Ano?.... hindi mag rereview pa ako... Area?.... next week na lang .... may quiz bee akong sasalihan ... gago importante to" at binaba na niya ang phone.
Tama ba rinig ko? Area? " anong gagawin mo sa area?" tanong ko sa kaniya
" Yung ginagawa don" sagot niya at ngumisi sakin
" Alam kong alam mo" sabi naman niya. Inirapan ko naman siya. Gangster din siya? Kaya pala, kaya pala parang nakita ko na siya at familiar. Pakiramdam ko kaibigan niya rin yung costumer na nakabasag sa boutique ni Lyan. Di bale di ko muna yon iisipin
Lumipas ang ilang oras at 10pm na. " uuwi na ako Charles" sabi ko naman sa kaniya at tumango lang siya na kasalukuyang nagbabasa parin
" ay gago to. Wala akong sasakyan" sabi ko naman at tiningnan niya lang ako
" taxi" tipid niyang sabi.
Lumapit ako sa kaniya at binatukan siya. " Hoy bwisit! Alam mo bang gutom na gutom na ako kasi hindi ka man lang nagluto ng dinner at sandwich lang binigay mo sakin? Okay lang sana yun eh, pero yung pauuwiin mo ako ng gabi na at pinaiwan mo pa kung sasakyan ko sa skwelahan eh ibang usapan na 'yon! Kung ganito lang pa - - " natahimik ako na tumayo siya at naglakad palabas
" bwisiiiiit!!!!" sigaw ko naman. Nakakabad trip lang tong lalaking to eh!
Sumakay ako sa sasakyan niya at sinabi ang address ng bahay ko pero iba yung destinasyon niya
" kung nagbabalak kang patayin ako at itapon sa ilog. Bahala ka. Wala kanang ka partner sa Quiz Bee" pangongonsensya ko sa kaniya. Naman eh. Iba ang punta ng lalaking to. Baka naman huling hininga ko na pala, inuunahan ko lang siya.
" dadaan lang tayo ng restaurant para bumili ng pagkain. Praning mo" sabi niya naman at napangiti ako.
Yesss! Makakakain na ako sa wakas! Gutom na gutom na ako at nagwawala na ang mga alaga ko sa tyan. Whoo~
BINABASA MO ANG
Gangsters Squad
Teen FictionAre you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.
