Chapter 17:
Ria and Charles Picture Above...
" Hindi kasi ako nag go-grocery at minsan lang talaga. Walang laman ang ref ko at yung pinakain ko sayo kanina. Galing yun sa bahay ng kaibigan ko. Dun lang din ako kumukuha ng pagkain ko" pag kwento niya saakin.
Ang tamad naman ng lalaking to. Siguro nabubuhay na siyang magbabasa lang magdamag at hindi na kumakain. Hindi pwede saakin yan. Gutumin kasi ako at matakaw. Ayoko naman magutom mga alaga ko sa tyan kaya kumakain talaga ako ng marami.
"Alam ko yang iniisip mo. Tama ako no? pero matakaw ako kumain" sabi niya na may halong tawa " kaharap ng bahay ko, dun nakatira si Steve. Yung may-ari ng Minnie Café na tinutugtugan niyo. Maraming tambag na pagkain yon tapos di naman kinakain lahat, kaya kinukuha ko nalang"
Seryoso siya? Member ba siya sa akyat bahay gang at nakakapasok sa bahay ng kaibigan niya para lang kumuha ng pagkain? He's unbelievable. Tinitigan ko naman siya at hindi bakas sa mukha at postura niya na matakaw siya. Hindi naman siya mataba, hindi naman payat. Sa mga ganitong katawan, hindi na ako mabibigla pag mag abs yan kasi meron naman talaga, tapos yung muscles niya- -
" ay shit. Ano ba to, dumi ng isip ko" mahinang sabi ko at pinukpok ng kaunti ang ulo ko
" bumaba ka na at nandito na tayo"
Bumaba naman ako at nandito pala kami sa Four&One. Masarap ang mga pagkain ditto. Dito kasi kami minsan kumakain kasama sina mommy at daddy, pero sa panahon ngayon. Busy na at wala na kaming time pa na kumain sa labas pero naiintindihan ko naman 'yon.
" mag order ka na. My treat" rinig kong sabi ni Charles ng maka upo na kami.
Nag order na ako at dahil treat daw ni Charles eh hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.
" isang serve po ng Buffalo blasts, Fried Steak, Large Cheeseburger at Pasta. Yung desert naman Walnut Brownies, Lemon Cake, Roasted Banana Bars with Browned Butter at Moist Cake na rin, Cookie's 'n Cream na Frappe lang then paramihan lang ang chocolate Syrup."
Matapos kong sabihin yon ay tiningnan ko si Charles at parang nagulat, naman eh! Gutom nga ako. " sa ating dalawa naba yon?" tanong niya sa akin pero lumingo ako. " hindi. Good for 1 lang yon. para sakin lang" sabi ko naman at halatang nagulat siya.
" He'll have Vanilla Cheesecake with Cherry Toppings at frappe na Wild Berry" at umalis na yung babae.
" I know that you'll love their Vanilla Cheesecake. Ang sarap kaya non!" he smiled at me at kitang kita ang kagwapuhan niya. Nako naman, ito na naman ako.
" that's my favorite here. You picked the right food for me." At napanganga naman ako doon.
" kailan mo pa ako sinimulang I stalk at kahit na favorite food ko sa resto na to ay alam mo?" ay aba't binabawi ko na ang mga sinasabi kong gwapo siya. Ugsh asaar!
" wow ha? Ako pa talaga ang mang s-stalk sayo?" sarkastikong sabi ko at ngumiti lang siya
" Alam kong type mo ko" ang hangiiin! Grabe! Sana tangayin na siya ng malakas na hangin at ipakain sa pating! Nakakabwiset! Nakakasira ng gabi!
Huminga ako ng malalim at inisip na dapat akong makakain ngayon at hindi ako makikipag away sa kaniya kasi baka ipagkait niya sakin ang mga inorder ko at hindi ako pakainin. Sayang naman!!
Sa galit ko naman ay inirapan ko naman siya at di kinibo hanggang sa dumating yung pagkain. Kumain lang ako kumain at hindi ko siya pinapansin. Minsan nakikita ko kamay niya na dumadapo sa inorder ko kaya tinatapik ko yon at tinitingnan siya ng masama.
" busog ako masyado~" pag-aangal ko at hawak hawak ko pa nag tyan kong lumalaki na. puno ng pagkain eh kaya lumalaki
" ang takaw na, ang damot pa" rinig kong sabi ng mokong na to
" minsan lang may libre kaya di dapat sinasayang ang pagkakataon" pagsusungit ko naman at naglakad palabas ng resto at pumasok sa sasakyan niya.
" sa wakas. Makaka-uwi na rin ako ng bahay" sabi ko at tiningnan ang oras. 12md na. Ilang oras nalang tulog ko kasi may pasok pa bukas. Ugsh! Nakaka inis naman!
BINABASA MO ANG
Gangsters Squad
Ficção AdolescenteAre you ready to fight and risk everything for your squad? Then, let's see what you've got.
