[05] His Point Of View

11K 203 45
                                    

"Yung feeling na may gusto sa iba ‘yung taong mahal mo, at sa lahat ng pwede niyang magustuhan—‘yung kaibigan mo pa."

---xxx

‘Yung tipong lahat ng bagay na gusto mo, nakukuha mo. Maging atensyon ng ibang tao, nakukuha mo. Na sayo na lahat—itsura, kayamanan, kasikatan, katalinuhan, talento, mga kaibigan at mga taong nagmamahal sayo. Parang wala ka nang hahanapin pang iba. Pero ‘yung taong mahal mo, hindi mo maabot-abot. Ang daming naghahabol sayo pero ‘yung taong gusto mong makuha… hindi ka man lang magawang pansinin! Ang masaklap pa, may iba na siyang gusto. At sa lahat pa ng taong pwede niyang magustuhan, ‘yung kaibigan mo pa. Awwts lang dre! 

Chapter 5

'His Point Of View'

Sino nga ba ako?

Ako lang naman ang anak ng may-ari nitong school na pinapasukan ko—ang Anderson High. Sa school na ‘to, kilala ako bilang The Great Casanova. Yeah, you're right.

Isa akong dakilang womanizer. 

Lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Mapa materyal na bagay man ‘yan, o hindi. Kahit pa girlfriend mo, kayang-kaya kong agawin. 

Mayaman ako. Halata naman eh. Anak nga ako ng may-ari ng school, ‘di ba?

Matalino ako. Top student ako ng school namin dahil matalino talaga ako. Akala niyo dinadaan ko lang sa pera? Nagkakamali kayo d’yan. Dahil kahit na ganito ako, may maipagmamalaki naman ako.

Sikat ako. Natural, gwapo ako e. Hindi ako nagyayabang, nagsasabi lang ako ng katotohanan.

Madami na rin akong naging girlfriend. Ako kasi ‘yung tipong basta maganda at type ko, papatulan ko. Wala lang, trip ko eh.

Kahit na marami akong nagging girlfriend, ni isa sa kanila… wala akong sineryoso.

Dahil alam ko sa sarili kong si Hannah Nicole Samonte lang ang kaisa-isang nagpapatibok nitong puso ko.

Korni mang pakinggan pero ganun talaga.

Ganun pa man, kahit na sa ‘kin na halos ang lahat… may mga bagay pa rin na sadyang hindi ko makuha-kuha.

Gwapo naman ako, mayaman, mabait (weh?), matalino… pero bakit hindi man lang niya ako napapansin?

Ang dami-daming ngang naghahabol sa akin. Tapos siya… dedma lang?

Hindi man lang ba siya naapektuhan ng charms ko?

Ang tagal tagal ko na nga siyang tinititigan mula sa malayo. Ang swerte ko nga kasi naging seatmate ko siya ngayong fourth year. Ang swerte ko, dahil katabi ko na araw-araw sa school ang babaeng mahal ko. 

Sa totoo lang, matagal ko na siyang gusto. Elementary pa lang, gusto ko na siya. 4th year highschool na kami ngayon, pero heto wala pa ring improvement. Ni hindi nga kami magkaibigan. ‘Di ko alam kung bakit pero pagdating sa kanya… nawawalan ako ng lakas ng loob. Pag siya ang kaharap ko, ‘di ko na alam ang gagawin ko. 

It Started With FLAMES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon