"First impression never lasts."
— Erah Alyza Larena.
Marami sa atin ang mapanghusga. Hinuhusgahan kaagad ang tao nang dahil sa itsura nito, sa nakita natin o sa mga naririnig natin. Ngunit, sa kabila ng mga nakikita natin ay natatago ang parte ng kanilang pagkatao na hindi pa natin nasisilayan. Hindi naman porque ‘yun ang nakita mo at ‘yun ang narinig mo ay ‘yun na ang paniniwalaan mo. Ika nga nila; "First impression lasts." Kung ano ‘yung unang pagkakakilala sayo, tatatak ‘yun sa isipan ng isang tao bilang ikaw. Pero kokontrahin ko ang kasabihang ‘yan. Kasi hindi naman lahat ng first impression, nananatili hanggang dulo. ‘Yung pagtingin mo sa kanya nung unang pagkikita niyo ay maaaring magbago kung lubusan mo siyang makikilala. Gaya na lamang nung nangyari sa akin last week. Di ko talaga inaasahan ‘yung ginawa ni Exzen. Waaahh, ‘yan tuloy! Naalala ko na naman ‘yung mukha niya.
Chapter 2
‘First Impression Never Lasts’
Sabado ngayon. Nandito kami ni Erah sa isang restaurant sa loob ng SM. ‘Di namin kasama si Hani dahil busy siya ngayon. Kaya kaming dalawa lang magkasama ngayon. Nagpapalamig lang ako ng ulo, nagre-relax ba. Paano ba naman kasi! Halos two weeks na mula nung first day of school, pero hanggang ngayon ay pinag-chichismisan pa rin ako ng mga tao sa Campus. Sino ba namang hindi maiinis dun! Napahiya na nga ako, dadagdagan pa ng panibagong chismis kasi napahiya na naman ako ULIT. But hey, di ko talaga inaasahan na gagawin niya ‘yun.
Pumikit ako at inalala ang mga nangyari.
Umagang-umaga, nagbubulungan na naman ‘tong mga ‘to. Sa t’wing dadaan ako, titingin tapos magbubulungan sila. Nakakasawa na huh, last week pa ‘yun, hindi na naka-get over! Oo, alam kong nakakahiya ‘yung ginawa ko, pero ‘di naman ako kailangang ipahiya nang ganun nung lalaking yun! Ipagsigawan ba naman sa room! Natural may kakalat na chismis. Ang sama tuloy nang dating sa iba. Para FLAMES lang eh, laro lang naman 'yun. Tss.
Recess ngayon at naglalakad ako papuntang canteen. Mag-isa lang ako ngayon, absent kasi si Bes Erah, may sakit. Dadalawin ko nalang siya mamaya. Si Bes Hani naman ay busy, may ginagawa raw na IMPORTANTE. If I know eh sinisilayan lang niya si Hanz. Eh wala na siyang pag-asa dun, taken na ‘yung tao. Anyway, back to the story.
Pumunta ako sa counter at umorder ng spaghetti and Coke in can. Tumingin-tingin ako sa paligid, nakita ko yung table na kina-uupuan nila Exzen. May bakante pang silya doon, pero asa namang doon ako uupo! Hinding-hindi ako lalapit sa lalaking ‘yun! Sa iba nalang ako uupo, baka lalong lumala yung rumors. Nakita kong bakante yung table na malapit kila Exzen. Doon nalang siguro ako uupo.
Naglakad ako papunta sa may bakanteng table habang hawak ‘yung tray ng foods ko. Napansin kong pinagtitinginan NA NAMAN ako ng mga tao. Seriously, kalat na kalat na ba talaga ‘yung rumors na ‘yun at pati hanggang sa canteen ay PAGTITSISMISAN AKO? Grabe ha, may patakip-bibig effect pa silang nalalaman! ANG LALAKAS NAMAN NILA BUMULONG! Rinig na rinig naman, ayaw pang sabihin nang HARAP-HARAPAN. Tss. Badtrip!
Malapit na ako sa may table ko, mga 2 tables away nalang nang biglang...
"Sht!" I cursed.
May tumilapid sa akin. Tumilapon tuloy ‘yung pagkaing laman ng tray ko—dahilan para sumubsob ako ngayon sa lapag na puno ng spaghetti. Buti nalang at ‘yung binili kong drinks ay nasa lata. Mukhang madadagdagan na naman yung tsismis sa 'kin. Grabe ha, hindi pa nga humuhupa ‘yung tungkol sa FLAMES, NAPAHIYA NA NAMAN AKO. At sa harap pa ng Exzen na ‘yun. Ayos ah, ayos. AYOS EH, ANG SARAP PUMATAY NG TAO! Arghhh.
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"