Chapter 28
‘Enchanted’
[HANI's POV]
"Kamukha mo Stanley!" Sabi ko kay Stanley habang naka-turo sa isang unggoy. Nandito kami sa Avilon Zoo, kasalukuyang naglilibot.
"Ang laking gwapo ko naman d’yan!" He said.
"Hahaha. Kahit kailan, ang ‘yabang mo talaga."
Si Stanley ang kasama ko ngayon habang naglilibot kami dito. Napahiwalay kasi kami kila Bes. Tss.
"I'm just stating the fact."
Sus, stating the fact! Stating the fvck kamo! Haha. ‘Di, joke lang. Bawal magmura! Masama ‘yun.
Naglibot-libot lang kami. Nag-enjoy kami sa pagtingin-tingin sa mga hayop. Habang nagmamasid, nagjo-jot down notes din kami. Kasama kasi sa coverage ng exams ‘yung mga facts and trivias about sa mga animals dito. Pati na rin ‘yung mga trivias about sa iba pa naming pupuntahan.
Sumunod naman na destination namin ay ang AFP Museum. Nag-enjoy kami sa paglilibot at pagtingin-tingin ng mga naka-display mga baril, kanyon at kung anu-ano pang ginamit noong World War II.
"Aish! Hindi ako maka-akyat! Ang taas kasi!" Reklamo ko habang pilit na inaakyat ang isang tank na nasa labas ng AFP museum.
Umakyat kasi sa taas noon sila Bes. Magpapapicture raw sila kasama ‘yung tank. Topak talaga ‘yung mga 'yun, gusto talaga sa may tuktok pa!
"Akin na 'yang kamay mo." Sabi ni Stanley. Nasa tuktok din siya ng tank. Naka-stretch ‘yung kamay niya sa 'kin na para bang nag-aalok na tulungan ako. Inabot ko naman ‘yung kamay niya.
Ugh. That weird feeling, again.
"Hay salamat! Naka-akyat din!"
"Grabe, ang bigat mo NicNic! Buti nalang malakas ako. Haha."
Aish. Ganun na ba ako ka-taba? Mabigat ba talaga ako? Bigla tuloy akong na-conscious. Tsk.
"Compress kayo guys! Ayan. Mas okay. One. Two. Three. Say Cheese!"
And then, click! Napicturan ako nang hindi manlang nakapos nang maayos!
-
Sumunod na destination namin ay Fort Santiago. Naglibot-libot din kami doon. This time, kasabay na namin sila Bes Xhe. Sila Bes Erah, ewan kung nasaan na 'yun! Nagsosolo ata silang dalawa ni Drake. Haha. So ayun. Picture-picture rin kami doon. Sumunod naman na pinuntahan namin ay ang Manila Ocean Park. Grabe! Sobrang ganda ng place! Manghang-mangha talaga ako kasi underwater saka kitang-kita ‘yung mga kakaibang isda.
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"