Chapter 32
‘Conflicts and Misunderstandings’
"Never expect. Never assume. Never ask. Never demand. If it's meant to be, it will be."
—xxx
[ERAH's POV]
Hindi ko alam kung anong gagawin o kung anong ire-react ko. Masyado akong nagulat sa bilis ng pangyayari. Kanina lang, masaya kaming nagtatawanan at nagkukwentuhan ni Drake. Tapos pagdating namin ng classroom, sinalubong kami ni Phenelope at namalayan ko na lang na...
"Ano ba, Andrei! I STILL LOVE YOU! At hindi nagbago ‘yun. Please naman, pakinggan mo 'ko! I want you back. Please give me another chance." She said between her sobs. Nakaluhod siya sa harap ni Drake, patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya.
She sounded so desperate and at the same time... pathetic.
Pero hindi ko naman siya masisisi. Sa kanya na rin mismo nanggaling na mahal niya pa rin si Drake, kaya niya siguro nagagawang magpakababa ngayon.
But, damn! I don't know why but suddenly, nakaramdam ako ng takot.
Natakot ako kasi may posibilidad na balikan siya ni Drake.
Hindi pa rin kumikibo si Drake, nakatitig lang siya kay Phenelope na umiiyak pa rin. Hindi ko alam ang gagawin ko—kung mananatili ba ako rito o lalakad nalang palayo. Ayaw kumilos ng mga paa ko.
Biglang nagsalita si Drake.
"Please, stop crying and stand up." He said in a low voice.
"Hindi ako tatayo hangga't hindi ka pumapayag! I'll do everything para lang mabigyan mo ako ng panibagong pagkakataon, so please... I'm begging you. I love you this much Andrei and I can't afford to lose you again. I know you still have feelings for me, so... can we start all over again?" Phenelope said habang humihikbi. Naka-salampak na siya sa lapag ngayon. Parang wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid, sa mga taong nakikiusyoso sa nangyayari ngayon.
Parang silang dalawa lang ang nandito ngayon. At ako? Isa lang din naman akong extra. Isang extra sa kwento nilang dalawa.
Drake sighed heavily.
And then nagulat ako kasi bigla niyang hinatak sa wrist si Phenelope patayo.
"A—andrei..." ‘Yun lang ang tanging nasabi ni Phenelope. Hinatak siya ni Drake at tumakbo sila palayo...
...palayo sa mga taong nakikiusyoso sa kanila at palayo sa 'kin.
There, nasagot na rin ang katanungang bumabagabag sa utak ko.
Mahal niya pa nga.
-
Buong hapon akong hindi nakapag-concentrate ng mabuti sa klase. Binagabag ako ng mga katanungan sa isip ko—nagkabalikan na kaya sila? Paano na 'yung boyfriend ni Phenelope?
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"