[60] Epilogue: Stay

6.6K 138 34
  • Dedicated kay Sa lahat ng readers ng ISWF.
                                    

Epilogue

 

“Huwag ka ngang mag-drama d’yan! Nandito pa ‘ko.”

Kasi naman may pa-luhod luhod pang nalalaman!

Kaagad naman siyang lumingon at napatayo pagkasabi ko no’n.

“N—Nathalie? Hindi ka umalis?” Gulat na gulat niyang tanong.

“Kaya nga ako nandito ‘di—” Hindi ko na natapos pa ‘yung sinabi ko kasi bigla na lang niya akong niyakap. Nabitawan ko tuloy ‘yung mga dala ko! Muntik pa ‘kong matumba.

“Akala ko umalis ka na… akala ko hindi na kita makikita pa ulit…” Sabi niya habang yakap-yakap niya ‘ko. Niyakap ko siya pabalik. Lalong humigpit ‘yung yakap niya sa ‘kin. “Huwag kang umalis… dito ka lang, please. Hindi ko kaya…”

“Iiwan ba kita, e mahal na mahal kaya kita…” I whispered to him.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa ‘kin. Unti-unti siyang napangiti.

“Talaga? Ulitin mo nga ‘yun.” He said.

Ayoko nang ulitin pa ‘yun! Nakakahiya!

“Wala nang ulitan. Basta nasabi ko na.” Tapos ngumisi ako. Haha.

“Sinabi mo ‘yan ah.” He said. At ayun, ang lapad ng ngiti ng loko! “So, sinasagot mo na ‘ko?”

Tumango lang ako.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniangat ang aking ulo. Tumingin siya ng diretso sa ‘king mga mata.

“Talaga?”

“Oo nga sab—”

Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko kasi… kasi…

…KASI HINALIKAN NIYA KO!

Shit! First kiss ko ‘yun ah! Ang init ng labi niya. Pero ang sarap niyang humalik. Ang lambot pa ng la—okay tama na! Stupid brain! Shut up, will you? Ugh.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ko. Bigla akong nainitan. Para akong natutunaw. ‘Yung mga paru-paro ko sa t‘yan, nagwawala na! Nanlalambot at nangangatog na rin ‘yung mga tuhod ko. Buti na lang at yakap-yakap niya ‘ko kundi kanina pa ‘ko nag-collapse dito!

Halos isang minuto rin siguro ang itinagal ng halik na ‘yun. Paniguradong pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon sa airport. Gumawa ba naman ng eksena sa gitna ng maraming tao.

“N—Nathalie! Okay ka lang? Pasensya na, nabigla lang talaga a—”

It Started With FLAMES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon