Chapter 21
'Tutorial Session: Last Day’
[HANI's POV]
Naging maayos naman ‘yung review namin noong nakaraan. Kahit na medyo may mga kalokohang naganap at whatevers, nakatulong naman ‘yun kahit papaano kasi nadagdagan ‘yung kaalaman ko. Bukas na nga pala ang 1st periodical exams namin. At last day na 'to ng pagtu-tutor sa 'kin ni Stanley.
Last day na.
Sabi kasi ni Ma'am Aguilar, titigil na raw si Stanley sa pagtututor sa akin bago ang periodical exams.
At ito na nga ang araw na ‘yun.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako o malulungkot or what.
Pero parang… nakakalungkot.
Ano ba ‘yan, kung anu-anong dumadali sa isip ko! Maka-punta na nga kila Stanley. Ayaw pa naman nun ang pinaghihintay!
Lumabas na ako ng bahay dala-dala ang bisikleta ko. Magbibike ako papunta kila Stanley. Tinatamad akong maglakad eh.
Ilang saglit lang, nasa tapat na ako ng bahay nila. Pinarada ko ‘yung bisikleta sa terrace nila at saka pinidot ang doorbell. Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang kasambahay nila Stanley na si Manang Isabel.
"O, ikaw pala ‘yan hija. Pasok ka." Aniya.
Nginitian ko lang si Manang tapos pumasok na ako sa loob. Nilapag ko ‘yung mga gamit ko sa mini table sa sala.
"Si Stanley po?"
"Nasa taas, doon sa kwarto niya. Akyat ka nalang sa taas, ikaw na tumawag sa kanya. May inaasikaso pa kasi akong labahin eh."
"Saan po doon ang kwarto niya?"
"Doon sa may pangalawang pinto. Katok ka lang. Pag ‘di sumagot, pumasok ka nalang. ‘Di naman magagalit ‘yun. Mabait na bata naman si Stanley."
Mabait na bata, huh? Talaga lang? Haha. Ang bad ko!
"Ah ganun ho ba? Sige po, akyat na po ako."
Tumango lang si Manang tapos naglakad na siya papunta sa may likod bahay nila Stanley. Ako naman, nag-umpisa nang umakyat ng hagdan. Pagkadating ko sa taas, nakita ko naman agad ‘yung ikalawang pinto. Kumatok agad ako doon.
Bumilang ako ng 3 segundo. Walang sumagot.
Kumatok ako ulit—wala pa ring sumagot. Wala ring nagbukas ng pinto.
Eto na, huling katok ko na 'to. Pag wala pang sumagot o nagbukas ng pinto, papasukin ko na talaga 'to!
Kumatok ako sa ikatlong pagkakataon. Pero walang sumagot. Wala ring nagbukas ng pinto. Kaya naman ako na mismo ang pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
It Started With FLAMES (Completed)
Teen Fiction[Completed / Edited] "O. Naglalaro ka pala ng FLAMES. At pangalan ko pa talaga ang nakalagay d'yan huh? Crush mo 'ko 'no?"