[50] His Feelings

5.1K 108 14
                                    

Chapter 50

‘His Feelings’

“What would you do if I told you that I la, la, la, la, loved you?

Do if I said it tonight?

What would you do if I told you that I la, la, la, la, loved you?

Cause you know I la, la, la, lie.”

— La la by The Cab.

  

[XEN’s POV]

 

“Nathalie! Sandali lang! Nathalie!” Sigaw ko habang patuloy sa paghabol sa kanya. Tae, ang bilis niyang tumakbo!

Nakakainis! Everything was going smooth. Okay na e, okay naman kami. Masaya naman kami. Pero unti-unting nagbago at nasira ang lahat nung bumalik siya.

Nung nagsimula akong magduda kung sino nga ba sa dalawa… kung ano ba talaga.

-

“I’m Layla Esguerra. Nice meeting you everyone.”

Nung mga oras na ‘yun, pakiramdam ko… huminto panandalian ang takbo ng mundo ko. Napako sa kanya ang tingin ko. Kumurap-kurap pa nga ako nang tatlong beses  para lang masigurado kung nananaginip lang ba ako o hindi pero tangina lang, totoo lahat ng nakita ko! Nagbalik na siya… nagbalik na siya, sa wakas! Mistulang panaginip ang pangyayari—hindi ko kasi inaasahan na babalik siya.

 

“Hello Ivann! Long time no see. Tabi tayo a?”

 

Nagulat ako nang bigla niya akong kausapin. Sa sobrang pagtitig ko sa kanya, hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala siya. Ako naman, hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na siya… na nagbalik na talaga siya. Hindi ko rin alam kung anong rason niya. Kung bakit mukhang biglaan ‘yung pag-uwi niya ng Pilipinas, pero isinantabi ko na muna ‘yun. Ang mahalaga, nandito na siya ulit… magiging masaya na ulit ako—nga ba?

-

“Are you still mad at me?” She asked.

Nandito kami sa may locker area—uwian na pero ‘di pa rin ako nakakauwi. Bumalik kasi ako rito dahil naiwan ko ‘yung Math notebook ko, tapos bigla nalang siyang sumulpot sa tabi ko.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata hanggang sa masabi ko na lang na…

“Hindi na. Bakit mo naman nasabi ‘yan? That was years ago, naka-get over na ako r’on, ‘wag kang mag-alala.”

Nagulat ako sa sinabi ko. Shit, nasabi ko ba talaga ‘yun?

Nakita kong unti-unti siyang napangiti. Napangiti rin ako.

 

“Friends?” She said then she offered her hands to me, as if asking for my hand to shake with her.

It Started With FLAMES (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon